Chapter 28

27 3 0
                                    


"Sige na bakla! Go!" sigaw ni pichie sabay tulak kay judy. Tawa naman ng tawa si judy saka pasimpleng sumesenyas kay pichie na lakasan pa ng konti ang pagtulak hanggang sa magkabanggaan na nga ang mga likod nila ni dada na syang talagang plano ng dalwang bruha.

Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang ito pero kaninang-kanina pa talaga sila siglang sigla. Akala mo nakawala sa mental.

"Hala sorry. Hindi ko sinasadya." mahinang sabi ni judy kay dada nang humarap ito sa kaniya. Agad humarap si judy kay pichie at umastang galit. "Bakla wag ka ngang malikot, nakaka-sagi na ko dito eh" napailing-iling nalang ako sa trip ng dalawang ito. Ang lalakas ng trip.

Pinabayaan ko nalang ang dalawa sa trip nilang panghaharot kay dada at nakipagkwentuhan nalang sa katabi kong si camia. Mabuti pa itong isang ito, makakausap mo ng matino, ngayon. Ngayon lang. Wala naman yata akong kaibigang matino palaging kausap eh. Tsk. Bakit parang puro galing mental ang mga kaibigan ko? Bigla akong nakaramdam ng konting awa sa sarili ko. God, Im hopeless.

We are in the middle of talking about the track and strand that we will take in senior high nang biglang mahagip ng tingin ko si zared dahil naglakad ito sa harapan namen dala-dala ang paborito nitong gitara.

"--Ang kaso ang alam ko dapat daw may sariling laptop kapag tinake mo yon eh. Siguro okey narin yung mag ICT tayong lahat—mukha pang madali" anang camia.

Right. Napag-usapan nameng ICT nalang ang kukunin nameng magbabarkada. Dapat ABM, but natakot kame sa math.. Or talagang takot kame sa mismong track. I don't know basta ang alam ko lang, kukunin namen ang ICT para narin kasama parin namen ang boys dahil yun ang ite-take nila. Although I have my own reason kung bakit gusto ko ring kunin ang kursong yon. I'll take ICT for me to learn how to use computers. The basics, I mean—particularly by just turning on a computer. Yeah. Call me dumb or taga-bundok but I really don't know how to simply turn on a computer. At the age of 16, Im a very outdated girl. Kaya nga yun ang kukunin kong kurso dahil yung ang kursong literal na wala akong alam.

"Lahat tayo ICT, si zared lang ang hindi. He's taking Industrial Arts" although lahat naman kame TVL track ang kukunin, pero si zared lang ang tanging ibang strand ang kinuha. He's taking IA strand daw, while us will be taking ICT strand. Camia laugh.

"Aba ay bahala sya mame, kung dun sya masaya sa kursong yun eh. Wala naman tayong magagawa don." napatingin ako sa kaniya.

"So what's the score between the of you?" panguusisa ko nang may pang-uuyam na tingin. Kumunot ang noo niya.

"Nino?" tinaasan ko sya ng kilay. "Eh sino bang pinag-uusapan naten dito?" nagkibit balikat siya.

"Tsk. So ano nga? Ikaw bakla ka hindi ka marunong mag-share ah?"

"Eh wala naman akong ikukwento mame eh.." nanliit ang mata ko.

"Hindi ako naniniwala."

"Ala mame promise wala talaga. Anong ikukwento ko? Wala naman talagang dapat ikwento eh. I mean, ayun nga umamin sya sakin. Eh kaso mame ayaw ko naman sa mga ganan eh. Parang hindi pa ako handa."

"So nanliligaw sya sayo?" umiling sya.

"Hindi mame, hindi naman ako pumayag eh. Sabi ko kung gusto nya talaga, he have to wait. Kung hindi nya kaya, edi bahala sya." napatawa ako.

"Oh eh anong sabi?"

"Maghihintay daw.." I laughed. "Oh, come on. Wag kang maniniwala sa linyang ganyan. Scam yan." natahimik sya.

"Pero ewan ko rin ah? Hindi naman siguro lahat ng lalaki katulad ni leon kaya siguro naman may isang salita yang si zared." nagkibit balikat ako. "You'll never know until you try it." napabuntong hininga sya.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now