"Ang sabi niya saakin ay wala na daw kayo.." nagulat naman ako sa sinabi niya. Ano raw?
"Ano bang sinasabi mo jaan?" natatawang tanong ko. "Monthsarry nga namen ngayon eh. Anong wala na kame? Aba kelan pa iyon? Bakit hindi ko nabalitaan?" para akong baliw na tumatawa habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Ken. Iyong tingin nya parang naawa saakin. Napatingin ako kay Beverly at mukhang gulat parin siya kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Ken.
"Hindi ko alam. Pagpasok ko ay siya agad ang hinanap ko dahil nga kakausapin ko siya, sinabi kong bakit hindi ka niya pinupuntahan ngayong monthsarry niyo at sinabi ko ring nagtatampo ka na.. Pero ang sabi niya ay wala na daw naman kayo kaya bakit pa siya lalapit sayo" paliwanag niya.. Natulala naman ako at nangilid ang luha. Parang napaka-imposible naman noon!
Aba ay malupit ka Leon! Magdedesisyon ka ng ikaw lang ang nakakaalam? Ano pala ako dito? Wala ba akong karapatang malaman kung anong estado na ang meron tayo?
Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lamang ako. Bakit ganon? Kaya ba hindi niya ako pinapansin? Maayos naman ang pag uusap namen noong nakaraan ah? Pilit kong inaayos pero para sa kaniya pala ay tapos na kame? Gulong gulo ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa dami ng mga tanong saaking isipan. Do I deserve to be treated like this? Do I deserve this?..
Napuno na ng sama ng loob at galit ang dibdib ko. Kinuyom ko ang kamao ko at nagsimulang maglakad papunta sa classroom niya. Hindi pwedeng ganito. Hindi ako papayag na gaganituhin mo lang ako!
"Teka jane!" tawag nina Beverly saakin pero hindi ko na pinakinggan. Kakausapin ko siya!
Pagdating ko sa classroom niya ay agad ko siyang inexcuse. Si ken at beverly naman ay nakasunod lang saakin. Lumabas naman siya agad at humarap saakin, nakatayo lang kame dito sa gitna ng corridor. Hindi ko alam pero nagsi-sunudan ang mga kaklase niya sa kaniya papalabas at mukhang balak manood saamin. At dahil katabing classroom ko lang siya ay agad nakiusyoso ang mga kaklase ko at nagsi-labas rin sa classroom namen. Napaka daming tao.. Nasa gitna lang kame kaya naiilang ako pero dahil sa sama ng loob ko ay hindi ko na iyon pinansin.
"Kamusta?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. "Ayos lang" tatawa tawa naman niyang sagot dahil inaasar asar siya ng mga kaklase niya.
"Break na pala tayo? Bakit hindi mo manlang sinabi? Nagulat tuloy ako" sarkastikong sabi ko.
Tumatawa naman siya na parang nakikipag biruan lang ako. Hindi manlang ako sineseryoso..
"Oh? Diba ikaw naman ang unang nagdesiyon niyan?" natatawang sabi niya. Nagulat naman ako.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Ikaw ang nakipag break hindi ba?"
"Anong ako?! Ako na nga lang ang nagpupumilit na maayos ito tapos ako pa ang nakipaghiwalay?! Nagpapatawa ka ba?!"
"Huwag ka ng magkaila.. Diba? Nuong isang gabi ay tumawag ka? Sinabi mo na kung hindi ko kayang gampanan ang pagiging boyfriend ko sayo ay makipag hiwalay na lamang ako?"
Naluluha naman akong napatitig sa kaniya. Iyon lang ba ang dahilan niya? Alam ko yon, kasama ako ng pinsan ko noong tinawagan namen siya gamit ang ibang number. Ginusto ko lang namang marinig ang boses niya dahil pakiramdam ko ay napakatagal na mula noong magkausap kame sa telepono. Hindi ko magawang tumawag sa kaniya gamit ang numero ko dahil hindi naman siya sumasagot!
Nakitawag ako noong gabing iyon pero hindi ako ang kumausap kundi ang pinsan ko dahil alam kong pag narinig niya ang boses ko ay mawawalan na naman siya ng ganang makipag usap. Para akong tangang namamalimos ng atensyon niya pero anong magagawa ko? Ganun niya ako itrato eh. Parang walang halaga. Ginusto ko lang marinig ang boses niya kaya pinatawagan ko siya, pero nang malaman niyang pinsan ko ang kausap niya ay nagsimula na siyang magpaalam kaya uminit na ang ulo ng pinsan ko at nagsimula siyang bulyawan. Dahilan para masabi niya ang bagay na iyon. Ni hindi na nga niya pinatapos ang pinsan ko at pinagpatayan na niya! Umiyak-iyak pa ako sa inasta niya noong gabing yon.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...