Madaling-madali ako sa pag-sasalipot ng mga gamit ko dahil late na ko sa remedial class ko for MAPEH subjects. Sobrang daming gawain ngayon sa school dahil malapit na ang exams kaya tambak ang mga pinagagawang projects sa at quizzes sa iba't ibang subjects pero hindi ko pedeng pabayaan ang remedial class ko. Sobrang laki ng magiging epekto nito sa general ave. ko kapag pinabayaan kong bumagsak don."Jane!" tawag sakin ni andrew nang hindi ko siya mapansin sa sobrang pagmamadali ko.
"Sorry! Sorry!" Tarantang sigaw ko saka naglakad pabalik sa kanya. "late na ko sa remedial ko drew, mauna ka ng umuwi ah? Mamaya pa ko eh."
"Hihintayin na kita."
"Wag na 'drew, gagabihin ka na naman eh. Nakakahiya na." napa-buntong hininga siya.
"Jane ano ka ba naman? Di ka pa nasanay, natural lang naman na ihatid kita pauwi diba?"
"Andrew." seryosong sabi ko. Napayuko siya. "Sige na. Bukas nalang tayo magsabay umuwi ha? Madami pa rin kasi akong gagawin after nito eh. Sige na ha? Wag ng makulit. Babawi ako bukas promise. Una na ko, late na ko eh." paalam ko. Hindi ko na siya naantay pang sumagot dahil tumakbo na ko papunta sa kabilang building kung san kame nag reremedial class.
Samu't-saring activities. Role playing, dancing, singing, ibat-ibang sports pati na rin mga paper works, recitation, quizzes and assignments. Lahat isinisiksik sa isang remedial class lang. Bilang na bilang nalang kasi ang araw bago magexam at kelangan nameng masakop at matapos lahat ng activities na naisagawa ng ibang estudyante na araw-araw pumapasok sa klase ng MAPEH. All in all, meron lang kameng 10 meetings sa remedial class, kaya naghahapit talaga.
Paguwi ko sa bahay halos malimutan ko ng kumain dahil assignments and projects agad ang hinaharap ko. Sobrang stress na stress ako. Gusto kong magbreakdown pero wala na rin akong oras para don dahil hindi pa man ako nakakatapos sa isang gawain, may panibago na namang nadadagdag.
For days, wala akong ibang ginawa kundi maghapit. Naiinggit ako kina pichie, wala na silang ibang ginagawa kundi magreview at mag-antay sa exam samantalang ako ni hindi pa nakakapag buklat ng dapat kong aralin dahil may hinahabol pang lessons.
I was busy studying math. Last day na bukas ng exam. Ewan ko kung nakapag-aral ba ko ng maayos nung first day of exam but thankful ako kasi natapos ko na. Basta ginawa ko yung best ko, sinikap kong masagutan lahat. Ito nalang talaga ang problema ko kasi mahihirap na ang subjects na para bukas. Tapos ko ng aralin ang ibang subjects, minadali ko na yon actually kasi mas kelangan kong mag-focus dito sa math kasi dito talaga ako mahina.
I was writing some formulas that I memorized on a blank paper when my mama's phone rang. Hindi ko na sana papansinin dahil masyado akong focus sa pag-aaral kaso nakuha ni mama ang atensyon ko ng marinig ko siyang sumagot sa telepono.
"Hello po? ... Yes maam! ... Meron na po maam, may passport na po ako! .... Talaga maam? .... 3 days, alis po agad? ... Opo! Opo! .... Sige po maam, asikasuhin ko agad yan. Salamat po!"
Hindi ako maka-react agad. Ang dami dami kong isipin nitong mga nakaraang araw.. Hindi ko na alam kung san ko pa isisingit itong bago kong dadamdamin.
"Inaaay! Makakaalis na ako!" tuwang-tuwang sigaw ni mama sa lola ko. Nakatitig lang ako sa libro ko habang hawak parin ang ballpen ko.
"Totoo?! Nako salamat sa Diyos at sinwerte ka paren anak! Ano daw ang mga kailangan?"
"Sila na daw bahala sa lahat eh. Basta daw may passport ako makakaalis na ako kaagad. May ilang papel lang akong kailangang ayusin pero hindi na mahirap yon inay! Makakaalis na ako!"
Tuwang-tuwa ang mga tao sa bahay. Ang mga kapatid ko naman wala pang naiintindihan dyan eh. Oh maaring naiintindihan nila yung nangyayare pero sadyang wala lang sa kanila dahil hindi naman sila ang maaapektuhan. Siglang-sigla si mama na pumasok sa kwarto at pinaglalabas lahat ng importanteng papel niya.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...