Chapter 40

13 3 0
                                    


"Bakit ganiyan ang mukha mo?"

Napatigil ako sa paglalakad saka nakangusong humarap sa kaniya.

"Wala lang. Napangitan lang ako sa ending nung movie." buntong hiningang sabi ko.

"Why? Kasi tumanda siyang dalaga?"

Inirapan ko siya. "Hindi naman sya tumandang dalaga no! Nag-kaanak naman siya sa dulo."

"Yeah. But only because she adopted. Kasalanan naman niya iyon. She has a choice to love other man and have a complete family but didn't bother to do so. Mas pinili pa niyang mag-isa sa mahabang panahon." naiiling na aniya.

Napatingin ako sa malayo. "Because she's inlove with someone else. Someone that she can't have."

"Exactly. Alam mo ng hindi ka kayang mahalin pero minamahal mo parin. Isn't that too much for yourself?" napatingin ako sa kaniya.

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Baka nga ang sobra ng dating non pero ano ba ang magagawa mo kung ganon ka magmahal? Everyone has their own way of loving anyway."

"Parang yung nasa movie lang. Ang lungkot kasi hanggang sa dulo ng story hindi manlang siya nakita ng lalaking gusto niya. May choice siyang magmahal ng iba pero hindi niya ginawa kasi ganoon siya mag-mahal. Na kung hindi rin lang yung lalaking gusto niya ay wag nalang." nagkibit-balikat ako.

"She looks happy though. Nakontento nalang siya sa mga anak niya hanggang sa pagtanda niya at hindi na nagmahal pa ng iba. I understand her way of thinking." napapa-tangong sabi ko.

"I might do the same thing too if God will put me in the same situation." sabi ko nang may tipid na ngiti sa labi at matamang nakatingin sa kaniya.

Sa ngayon hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman kong ito. Ang tagal bago ko maamin sa sarili ko at ang tanga lang para makaramdam ako ng ganito. Pero ano pa ang magagawa ko? Andyan na eh. Hayaan nalang.

Tuwing gabi iniisip ko, kelan pa kaya ito nagsimula? Nung unang kita ko ba sa kaniya morethan 4 years ago? O nung unang beses na nanaginip ako ng tungkol sa kaniya hanggang sa naging gabi-gabi na? Hindi ko alam. Basta ko nalang naramdaman.

I know my limits anyway. I can still clearly see the lines. Mga linyang hindi ko pwedeng tawirin.

Hinding-hindi ko kailanman tatangkaing tawirin.

Napatitig siya saakin.

"Seriously?"

"Oo naman. Bakit hindi?"

"It should be give and take jane. Kung magmamahal ka, dapat masuklian iyon ng pagmamahal din. I can't imagine you being alone 'till you get old. Fuck. That's too much." he said as if he's telling me how ridiculous my mindset is. Bahagya akong napatawa saka matamang tumingin sa kaniya. Tipid akong ngumiti.

"Da, hindi lahat ng pagmamahal nangangailangan ng kapalit. Marami dyan, kontento ng magmahal mula sa malayo. Iyong makita ka lang na masaya, okey na. Sasapat na."

Napailing-iling siya. "Ang labo. Bakit mo tatanawin ang alam mong hindi mapapasayo? I'm sure may nagmamahal din naman sa kanila na nandyan lang sa tabi nila diba? Iyong hindi mo na kailangang tanawin kasi nasa tabi mo lang. Lilingunin mo nalang para makita mo." I looked at him funnily. Can't he hear himself?

"Right. Maybe you should start telling it to yourself 'da." natatawang ani ko. Taka naman siyang tumingin saakin.

"What do you mean?" napailing-iling nalang ako.

"Wala jusko. Halika na nga, ilibre mo ko ng early dinner! Gutom na ako." ani ko nalang saka siya hinila palakad sa isang fastfood chain.

"Ikaw mag-order." aniya ng makapasok kame sa fastfoodchain.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now