Chapter 46

28 3 0
                                    

Namiss kong magsulat. Hays. Grabe na talaga yang modules na yan🙄
---

Chapter 46

Nagising ako nang makarinig ako ng kalampagang mga gamit. Maingay.. Walang pag-iingat sa pagkilos at tila nagmamadali. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata.

Anong oras na ba? Parang ang ikli ikli pa ng itinulog ko dahil masakit ang mga mata ko.

Muli akong napatingin sa pinang-gagalingan ng ingay.

Napa kunot ang noo ko sa pag tataka.

"Da?" I whispered to my self. Si dada ba yon? Ano naman ang gagawin niya dito ng ganitong oras?

Muli kong kinusot ang mga mata ko saka tumingin sa taong pauli-uli sa loob ng kwarto ko. Siya nga. Anong ginagawa niya dito? Bahagya akong bumangon para sana harapin siya nang makaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo.

Parang itong pinupukpok. Napasabunot ako saaking buhok.

"Ouch! Fuck.. Ang sakit ng ulo ko." natigilan siya at saka gulat na humarap saakin.

"Jane?" nanlalaki ang matang napatingin siya saakin. He look pale..—I wonder why.

Tumingin ako sa kaniya habang sapo sapo ko ang ulo ko.

"Anong ginagawa mo dito, da?" takang tanong ko sa kaniya habang hawak pa rin ang ulo ko.

Bakit ba sobrang sakit nito?!

Siya naman ay nanatiling parang tuod na nakatayo sa kalapit na pinto. Namumula ang kaniyang mga mata. Napakunot ako ng noo.

"Jane.. Jane, sorry.. Hindi ko sinasadya.." mas lalong nangunot ang noo ko.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" nakapagtatakang napakarami kong nababakas sa kaniyang mga mata.

Takot? Pagsisisi? Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan siyang tumingin saakin.

"I'm so sorry, jane.. Hindi dapat 'to nangyare.. Patawarin mo 'ko. This shouldn't happen...I'm sorry.. I'm so sorry.. I.. I have to go, I'm sorry." umiiling na aniya saka dali-daling lumabas ng kwarto.

Nagulat ako sa inasta niya. Mabilis akong bumangon sa kama para sana habulin siya.

"Ahh!" I stopped when I felt pain on my down area. Mabilis kong inalis ang kumot na nakabalot saaking katawan. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa banda kong iyon.

Bakit .. masakit? And my body.. Why am I naked?

I was literally clueless.. Napatingin ako sa pintong nilabasan ni dada saka muli sa hubad kong katawan.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto—wala pala ako sa sarili kong kwarto.

So nasa resort parin ako?

Sapo-sapo ko ang ulo ko nang muli akong tumingin sa nakasarang pinto..saka muli saaking katawan. Paulit-ulit.. Hanggang hindi ko pa naiintindihan kung anong nangyayare.

Kung bakit naririto ako ngayon sa isang kwartong hindi akin at walang saplot sa katawan.

Sa isang iglap ay nanginig ang mga labi ko at gustong magbagsakan ng mga luha ko.

Parang pinukpok ang ulo ko sa sakit.. Parang tinatambol ang puso ko sa lakas ng tibok nito.. At ang katawan ko.. Ang sakit.

Hinulog ko ang kumot sa sahig upang makita ko ng tuluyan ang kabuuan ng kama.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now