"Eyes on your paper!" sigaw ng advicer ko nang magkaroon ng konting ingay ang klase. Agad din namang tumahimik ang lahat pero panandalian lang.We are currently taking our final examination in our first semester today—its actually our last day today and I can't help but to feel relieved on that fact. Katakot-takot na aral na naman ang ginawa ko at ilang araw kong pilit inilayo ang sarili ko sa pinaka-mamahal kong wattpad. Napabuntong hininga ako. I swear, wattpad ang unang-una kong babalikan sa oras na matapos itong exam na to.
I was busy answering my testpaper and I'm trying my very best not to be distracted by my noisy classmates but hell, hindi ko mapigilang mapalingon sa magkabilang gilid ko maging sa aking harap kapag nahahagip na ng mata ko ang mga galawang hokage nila. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaasar sa kalokohan ng mga kaklase ko. Perks of having male students morethan us, females in our classroom—sari-saring kalokohan nila ang makikita mo.
Napailing-iling nalang ako nang makita ko na naman ang panibagong kapirasong papel na naglalakbay sa buong klase. Pasimple itong pinagpapasa-pasahan ng mga lalaki.
"Jane pakiabot nga nito kay kim" bulong sakin ni Rico na nasa kanan ko. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ipasa mo sa iba, tangina mahuli pa ko ni maam eh" ani ko. Idadamay pa ako putek.
"Dali na.. Ikaw ang malapit eh, mahahalata na ko ni maam pag inilayo ko pa" bulong nya pabalik. Napabuntong hininga nalang ako saka sumulyap kay maam na busy sa cellphone nya bago muling ibinalik ang tingin kay rico.
"Akina. Bilis" asar na ani ko saka naglahad ng kamay sa kanya. Agad rin nyang iniabot iyon. Pasimple ko iyong iniabot sa nasa harapan ko bago ako muling nag sagot ng akin. Kapag exam, hindi pedeng hindi ako mag-aaral. Ayokong umasa sa papel na gumagala dahil bukod sa kaya ko namang sagutan, takot akong mapagalitan. Jusko, sa taas ng pride ko hindi ko maaatim na mapapahiya sa klase talaga. Baka sabihin pa ng iba kababae kong tao diba?
"Mame, mame" bulong saakin ni camia.
"Wait lang bakla, wait" senyas ko saka muling nag-focus sa pag sasagot. Essay nalang ang natitira kong sasagutan nang ibaling ko ang atensyon ko kay camia na nakaabang lang saakin. Pasimple akong tumikhim.
"What number?" bulong ko.
"40 to 50 mame. Puro tao pala yon, hindi ko yun naaral" namomroblemang bulong niya. Mahina akong natawa saka umiling iling.
"Oh makinig ka, 40 muna tayo.." agad naman syang tumango. Sumulyap muna ako kay maam at saglit na tumigil nang makita ko syang nag lilibot ng tingin. Nang tumingin sya muli sa kanyang cellphone ay saka ako muling bumaling kay camia.
"40.. Aristotle" ani ko. Pasimple ko lang ibinubulong ang mga sagot sa kaniya. Pansamantalang tumitigil kapag tumutunghay si maam at muling nagpapatuloy kapag hindi. I'm not perfect and I'm not that smart either. Nagtatanong din naman ako kapag may hindi ako nasasagutan kaya hindi ako madamot sa sagot—well sa tropa ko lang syempre. What are friends are for diba? Hehe.
"Keri na beks?" tanong ko kay camia ng matapos akong magdikta.
"Oo 'me, salamat" aniya. Tumango nalang ako saka muling itinuon ang mata ko sa testpaper ko para mag sagot naman ng essay. Buti nalang nasa likod kame naka-pwesto kaya di kame napapansin ng advicer ko. Tsk..
"Class magc-Cr lang ako ha? Walang maingay" ani ni maam at saka lumabas ng room. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang lumakas ang bulungan ng mga kaklase ko. Ang ilan ay mabilisang umaalis ng pwesto para lamang makapang-gaya. Malalakas ang loob dahil alam na medyo matatagalan si maam dahil nasa second floor pa ang room namen at nasa kabilang building pa ang faculty. Napabuntong hininga nalang ako saka muling nag-sagot.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...