Lumipas pa ang ilang bwan at natuto ako ng bagong kalokohan. Well ganoon parin naman ang buhay ko, pag nasa school ay tahimik lamang akong nakikinig sa klase at pag walang klase naman ay nasa isang sulok lang at natutulog. Pag kaawas sa eskwela ay aattend muna ng practice ng Glee at pag natapos ay saka uuwi. Pagdating sa bahay ay palalampasin lang ang pagbubunganga ng lola ko sa aking tenga na parang walang naririnig at kapag mag aaway naman ang magulang ko ay papupuntahin ako ng lola ko saamin upang awatin sila. Ganon lang ng ganon, pero hindi naman ako naawat. Nanunuod lang ako hanggang sa matapos sila.Alam niyo bang matagal ko ng pangarap ang yumaman? Grade 7 palang ako tumatak na sa isip ko yan, na gagawin ko ang lahat para yumaman ako pag dating ng panahon. Pero yung dahilan ko noong grade 7 ako ay iba na ngayong grade 9 ako. Kung noon gusto kong yumaman para maging masaya na kame, kasi sa twing mag aaway ang magulang ko palaging pera ang dahilan eh. Kasi yun ang wala kame. Naisip ko na kung yayaman kame, magiging masaya na kame.. Na hindi na sila mag aaway. Pero simula noong mangyare yung pinaka matindi nilang away noong grade 7 din ako, ayoko ng alalahanin pero basta maituturing na pinaka malala iyon dahil talagang nagkakasakitan sila. Magmula noon ay nagbago na ang pananaw ko.
Gusto ko ng yumaman para mapawalang bisa ang kasal nila.
Kasi pagod na pagod na ako sa pag intindi.. Panganay ako kaya ako ang pinaka naiipit, dahil ang mga kapatid ko naman ay halos wala pang naiintindihan. Kasi alam ko naman..
Na pinipilit nalang nilang magsama para saaming mga anak nila. Kasi yun yong akala nilang makakabuti para saaming lahat. Doon sila nagkaka-mali..
Ang mag-away sila sa harapan namen araw-araw ay masakit na sa tenga at mata.. Ang hatiin kameng magkakapatid sa tuwing may aalis na isa ay sobrang pagpapahirap pa. Kapag nagbabatuhan sila ng masasakit na salita sa isa't isa? Kung nasasaktan sila ay sa tingin ko'y walang makakapantay sa sakit na nararamdaman nameng mga anak nila.. Kung tutuusin ay hindi dapat namen naririnig yon, pero madalas kong naririnig at ng mga bata kapag nasa bahay kame. Palagi kameng naiipit sa gulo. Palagi'y sumasama ang loob ko pero dahil duwag ako ay hindi ko magawang sabihin ang gusto kong sabihin. Kinikimkim ko lang lahat.
Palagi nalang ganon. Ang bunso kong kapatid ay may trauma na sa mga taong sumisigaw dahil nagagawa nilang mag away sa harap ng bata. Kaya parang palaging ang hirap hirap para saakin ang umuwi.. Kasi nakaksakal na..
Ngayon ay natuto ako ng kalokohan.. Natuto akong maglakwatsya sa gabe at dumayo ng inuman.. Kalokohan para sa paningin ng iba pero para saakin ay ito ang pahingahan ko.. Matagal na naman akong marunong mag inom. Nuon pang bakasyon bago ako nag grade 9, pero ngayon lang ako dumadayo sa inuman. Kung saan-saan ako nakakarating. Kasama ko sa kalokohang to sina ana at beverly dahil sa lugar naman kame ng boyfriend nila pumupunta. Nagagawa kong tumakas ng alas dyis ng gabi sa bahay at uuwi ng alas dos ng madaling araw na lasing kahit pa may pasok kinabukasan. Walang nakakaalam, dahil wala naman akong kasama sa tinutulugan ko. Ganon lang ako ng ganon pero hindi naman gabi-gabi.. Makalwahan lang. At lalong hindi ako nagrerebelde. Hindi ako tanga. Alam ko ang ginagawa ko.
Hindi lang talaga ako makahinga sa bahay kaya tumatakas ako pero wala naman akong ginagawang kalokohan bukod sa pag iinom. Bantay sarado ko ang sarili ko.. Maaaring hindi ako maiintindihan ng lahat pero kilala ko ang sarili ko. Alam ko ang limitasyon ko.. Hinding hindi ko ipapahamak ang sarili ko dahil ipapakita ko pa sa magulang ko ang magiging buhay ko. Na kung gusto mo ng masarap at payapang buhay ay kaya naman kung gugustuhin mo lang.
"ate jane pupunta kame sa may banginan mamaya manonood kame ng palabas, ano sasama ka?" tanong ni ana
"kakaalis lang natin kagabi ah? Hindi ako pede ngayon bakla nakaalis na ko kagabi eh. Awat na muna.." sabi ko
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
SaggisticaA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...