Chapter 63
Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto. Kaagad akong bumangon para buksan iyon dahil baka magising pa ang mag-amang himbing na himbing sa pagtulog. Napangiti ako nang mapatingin ako sa kanila. Nakayakap sa bata si Daryll samantalang si Primo naman ay komportableng komportable sa yakap ng ama at nakadantay pa ang binti sa bewang nito. Naiiling akong napangiti at saka naglakad papuntang pinto.
"Oh? Dito ka natulog?" takang tanong ni Jayem nang makita ako sa loob. I crossed my arms as I lean on the door.
"Himala at ngayon lang kita nakita? Ano ba ang pinagkakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw at palagi kang wala?"
"Ate, may trabaho ako." Napakunot ang noo ko.
"Iyon lang ang pinagkakaabalahan mo? Walang iba?" kunot noo rin itong tumingin sa akin.
"Oo. Ano pa ba sa tingin mo?" tumingin ito sa bandang likuran ko. Nang sundan ko iyon, nakita kong nakatingin siya sa mag-amang natutulog. Bahagyang tumaas ang isang kilay nito.
Napabuntong hininga ako. "Bakit ka ba kumatok pala?" muli siyang tumingin sa akin at parang may naalala.
"Ah, Sina Elly nga pala nasa baba. Bumaba ka na do'n at aalis na ako. Nagpapahatid sa'kin si Jhen sa San Pablo."
"Anong gagawin niya ro'n?" takang tanong ko pero nagkibit balikat lamang ito at bumaba na. Nagbuntong hininga nalang ako at pumasok sa loob ng kwarto para maghilamos. Hindi talaga tumatawag ng ate at kuya iyang si Jayem sa mga kabarkada ko dahil halos mga kaibigan na rin niya ang mga iyon dahil sa sobrang dalas ng mga itong matulog at mangbwisit sa bahay noon pa man.
Nang matapos akong maghilamos ay bumaba na ako para hindi na maistorbo pa ang tulog ng mag-ama. Pinaka ayaw ng mga bruhang iyon ang maghintay ng matagal, at kapag naiinip sa akin ay talagang inaakyat ako sa kwarto at hindi ako tinitigilan hangga't hindi ako lumalabas. Nakakairita iyon pero ganoon rin naman ako sa kanila kapag ako naman ang nasa kanila. Balik-balik lang.
I was crossing my arms as I walk down the stairs, at kaagad na nagtaas ng kilay nang lingunan ako ng tatlo. "7am? Talaga lang? Ang aga niyo namang mangapit-bahay." Nag-ngisian ang tatlo.
"Ano ka ba 'teh? Syempre may plano na kaming tatlo para sa araw na 'to! Rest day namin kaya susulitin namin bago pa man kami sumabak ulit sa gyera kinabukasan." Anang judy. Tamad akong naglakad palapit sa kanila at sumalampak sa sofa.
"Ano namang gagawin niyo dito maghapon? Magkakalat lang kayo, eh." Humikab ako.
"Duh? Hindi naman tayo dito tatambay maghapon, no. Aalis tayo!" excited na tugon ni Elly. Taka akong tumingin sa kanilang tatlo.
"Saan naman tayo pupunta?" nakangiting nagtingingan ang tatlo, kapagkuwan ay sabay-sabay nagsalita.
"We are going to Baguio!" as if on cue, sabay-sabay nilang itinaas ang malalaking bag na hindi ko napansing nandoon pala. I immediately frowned. Pagkatapos ay umirap. Baguio? Tapos gusto uuwi din agad dahil may trabaho pa kinabukasan? Ang tatanga.
"Pass." Nanlaki ang mata ng mga bakla at nasasaktang tumingin sa akin.
"Bakit?! Ang KJ mo, sumama ka!"
"Mame, sama ka na masaya naman do'n, eh. Promise! Road trip lang tayo!"
"Inay, 'wag kang ganiyan. Minsan na nga lang kami magkarestday, eh!"
Napatingin ako kay Elly, Camia at Judy na walang tigil ang bibig sa kakakonsensya sa akin.
"Kaya nga rest day, eh. Ibig sabihin, Pahinga Day. Bakit magpapakapagod pa kayo sa malayong byahe? Mag-SM nalang kayo. Lucena man 'yan o San Pablo, mamili kayo at sasamahan ko pa kayo." Kaagad na nagsiangilan ang mga bakla.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...