Nakikisuyong nagpatigil ng sasakyan si ivan nang makarating kami sa bayan ng tiaong. Dito na raw siya bababa kahit na may isang kanto pa namang papasukan para makarating siya sa kanila."Sure ka bang ayaw mo ng magpahatid mismo sa inyo?" nag-aalalang tanong ko nang makababa siya ng sasakyan bitbit ang maleta niya. He smiled at me assuringly.
"Oo naman, ano ka ba. Magsasakay nalang ako pauwi sa bahay kaysa magpabalik-balik pa kayo. Isa pa, nakakahiya na sa mga kasama mo." Napakunot ako ng noo.
"Bakit ka naman mahihiya sa mga to? Alam mo bang arkilado ko tong sasakyan? Kahit yung driver may bayad." I said flatly. Aduwang-aduwa sa kakuriputan ng mga kaibigan ko. Agad na natawa si ivan.
"Aba dapat lang!" sabat ng magaling na babaeng nakaupo sa driver seat. Napairap nalang ako.
"Ang sabihin mo, makunat ka lang!"
"Wala ng libre ngayon! Tska dapat lang na bayaran mo ko no! Hindi ako pumasok sa trabaho para lang masundo ka!" nanunumbat na ani ni pichie.
Tingnan mo itong babaeng ito. Kung makapag salita akala mo lagi may tatlong batang pinapakain sa kanila, eh hindi na nga magkanda uubos sa pera niya.
"Edi dapat pala ako din bayadan?" nang-aasar ng sabat naman ni judy.
"Ako din!" agad na singit ni camia. Napa-facepalm nalang ako.
"Ang kakapal ng mukha niyo." Komento ko na nakapag patawa sa lahat. Napailing iling nalang ako saka muling tumingin kay ivan na natatawa lang habang nanunuod samin.
"So pa'no? Dito ka na?" He just nodded at me while still smiling. Muli akong napailing-iling saka tumingin kay primo na natutulog na naman.
"Tulog si primo eh, gisingin ko pa ba? Para makapag-paalam ka?"
"Huwag na. Mukhang napagod ang bata kakatingin sa kalsada kanina, eh. Hayaan mo nalang magpahinga" natatawang aniya habang nakatingin kay primo. Napangiti rin ako.
Totoo. Tuwang-tuwa ang anak ko habang naniningin ng paligid kanina kaya naman nang makarating na kami sa San Pablo, nakatulog na sa pagod.
Dahan-dahang yumuko si ivan at isinuot ang ulo sa bintana para mahalikan si primo sa noo na siyang kalong-kalong ko.
"Bye, buddy" He whispered before gently brushing primo's hair. Muli akong napangiti. Napaka-sweet na tito.
Bigla ay tumingin sa akin si ivan kaya naabutan niya akong nakangiti habang nakatingin sa kanila ng anak ko. He smiled back before moving closer to kiss me at my forehead. Saglit akong napapikit sa distansya namen.
"Bye, teacher." ani niya at saka ngumisi saakin. Napaismid ako.
"Baliw. Sige na.."
"Alright. See you around, teacher!" ani niya at saka lumayo sa bintana ng kotse. Saglit muna siyang tumingin sa mga kasama namen at saka tumango sa tatlo. Mahina niyang tinapik ang bubong ng kotse.
"Sige na. Salamat sa inyo."
"Byeee!" The three bitches shouted before driving the car. I just nodded my head at ivan for the last time before going back to my comfortable position.
I brushed my son's hair..
"Ang tagal ng paalaman, ah?"
Napatingin ako kay pichie na siyang nagsalita. I frowned.
"Problema mo na naman?" ngising-ngisi naman ang gaga saakin.
"Tigilan mo ko pichie, buburahin ko 'yang mukha mo." Agad na nagtawanan ang dalwang babae.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...