Pagdating ko sa bahay ay hindi naman ako pinansin ng lola ko kaya nagdire-diretsyo lang ako paloob. Nang makalampas ako sa kusina ay saka palang ako nakapasok sa loob ng bahay ko. Kung titingnan ay parang apartment, maliit lang at parang isang kwarto lang ang laki pero may lababo at banyo na sa loob. Inilapag ko ang mga gamit ko bago nagpalit ng damit kong pang-araw araw. Dito ako nakatira. Dati itong bahay ng ninang ko pero dahil bumukod na sila ay wala ng nakatira dito kaya ako nalang. Sa ngayon ay nasa puder ako ng lola ko, kami ng kapatid kong lalaki. Ayaw ko dito dahil hindi ko makasundo ang lola ko pero wala akong magagawa dahil hindi naman ako kakasya sa bahay namen nina mama kung makikisiksik pa ako doon. Isang kamang nilagyan lamang ng mga pinagtagpi-tagping plywood upang maging dingding iyon, bukod doon ay apat na sila doon kaya hindi na talaga ako pede don. Ako lang naman ang di magawang masanay dito dahil halos dito na talaga lumaki yung kapatid kong lalaki eh, ako naman ay isang taong mahigit palamang dito.Sa totoo lang ay hindi naman talaga ganoon ang bahay namen eh, ang bahay namen noon ay gawa nga sa kahoy ngunit dalwang palapag naman kaya kasyang kasya kameng lahat. Pero nabago ang lahat simula nuong dumating yung bagyong glenda nuong grade 8 ako.
"Oh Jane suspended na daw ang klase ah? Uuwi ka na ba?" tanong saakin ng kaklase ko
"Oo inaantay ko nalang mga kasabay ko sa pag uwi eh" sagot ko
"Oh sige ingat ka ah? Ingat kayo. Uuna na ako"
"Sige sige at ako'y uuwi narin maya maya, titingnan ko pang magiba iyong bahay namen hahaha" natatawang biro ko sa kanya saka nagpaalam. Tumawa lang din sya saakin at saka umalis na. Hindi naman magigiba ang bahay namen dahil ilang bagyo na ang dumaan don pero nanatiling matibay yon.
Maya maya lang ay dumating na sina ana kaya naman umuwi narin kame. Pagdating ko sa bahay ay nagpalit lang ako at nanood ng tv. Sinilip ko ang langit at nakita kong napaka init naman pero sinuspend parin ang klase. Bahala sila, basta ako masaya ako dahil wala ng klase hehehe.
Nanood lang ako ng tv hanggang sa mag gabi, sina papa naman ay todo patong ng kung anu-anong mabigat duon sa bubong namen upang hindi liparin mamaya pagdating ng bagyo.
Matapos maghapunan ay nagsipanhik na kame sa taas at nahiga. Tahimik parin ang paligid kaya naman kalmado pa kame, pero sabi nila mas delikado daw iyon lalo't signal no. 3 sa lugar namen.. Malalim na ang gabi ng magsimulang umulan.. Mahina hanggang sa lumakas ng lumakas, kalmado lang ako kasi ulan palang naman, nagsimula lang akong kabahan nung magkahangin na pero wala paring nagreact samin. Nakahiga parin kameng lahat at nakikiramdam sa paligid, medyo sanay na rin kasi kame eh at wala namang nangyayareng masama saamin sa paglipas ng mga taon kaya kampante kame.
Pero iyong kampanteng loob na iyon ay nawala nang magsimulang umuga ang bahay namen sa kalakasan ng hangin. Napabangon ako sa kama ko. Sumisipol ang hangin, patunay na sobrang lakas nito.
"Ang lakas ng hangin grabe" sabi ni mama. Bumaba naman ako sa kama ko at lumapit sa kanila, nakaupo lang pala silang lahat dito, pag-akyat kasi dito sa taas ay puro kama na ang makikita mo, ako lang naman ang nakabukod at kurtina lang ang nagsisilbing dibisyon.
Tumabi ako sa kanila ng biglang umuga ulit ang bahay. Kabadong kabado na ako dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay guguho ang bahay. "Nako delikado tayo dito sa taas. Tara muna sa baba, doon tayo magsi-ungkot." yaya ni papa kaya nagsibaba na kameng lahat. Chineck naman agad nila ni mama ang mga haligi ng bahay. Naupo lang kameng magkakapatid sa sofa, apat kameng magkakapatid pero tatlo lang kameng nandito kasi sa bahay ng lola ko natutulog yong isa kong kapatid na lalaki. Dun lang din naman sa katapat ng bahay namen.
"Parang matutumba ang bahay natin ah?" sabi ni mama
"Silipin mo nga ang mga inay doon kung gisingan na sa kanila, walang tutulong saatin kapag gumuho itong bahay" sabi naman ni papa kaya sinilip ni mama ang bahay nina inay mula sa bintana. "Nakapatay ang ilaw sa mga inay" nag uusap lang sila habang kameng magkakapatid naman ay nanatiling nakaupo lang. Nag cecellphone lang ako habang hawak ang bunso kong kapatid. Maya maya pa ay nagdesisyon sina mama na pag dikit-dikitin yung mga sofa at naupo kame sa gitna noon at nakiramdam lang sa paligid, habang tumatagal ay palakas ng palakas ang hangin kasabay ng paglakas ng pag gewang ng bahay namen. Walang ibang napapaghampasan ang hangin dahil ang kanang parte nito ay purong malawak na lupain lang at wala ni isang puno at sa kaliwa naman ay kalsada na kaya buong lakas ng hangin sa bahay namen humahampas. Naiiyak na ko sa kaba, kinuha ni mama si bunso saakin at sya ang nagkandong. Si papa naman ay tumayo at nakaabang sa haligi ng bahay namen, nagsisimula ng liparin ang bubong namen kaya mas lumakas ang pagpasok ng hangin sa loob ng bahay namen dahilan para mas lalong umuga ito.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...