Chapter 20

12 3 0
                                    


Ilang araw matapos sabihin saakin ni beverly ang bagay na yon, unconciously, I started to become an observant on our surroundings. Kailangan na naming maging maingat. Lalo na si beverly. Ang babaeng yon, walang kalakas-lakas ng loob hindi kagaya namen ni ana kaya kelangan talagang bantayan dahil akala mo lagi ay bata. Tuloy ay hindi kame nakakagala sa gabi. Ang lagay ay sina Genus ang pinapupunta ko sa barangay namen para dumayo ng tambay.

Katulad ngayon, nandito kameng tatlo nina beverly sa labas ng bahay namen. Mamaya kame pupunta ng tambayan na nandito lang din mismo sa lugar namen kapag nandoon na sina Genus. Sa ngayon, hanggang dito lang muna kame.

"Nagtetext parin ba sayo?" tanong ko kay beverly na nakaupo sa may trycicle. Ako naman ay nakatayo lang sa harap niya. Si ana ay katabi niya.

"Oo. Tuwing gabi."

"Bakit hindi mo pa iblock nalang?"

"Yung number na iyon ib-block ko? Sure ka?" Nakataas ang kilay na tanong niya saakin.

Napahinga naman ako ng malalim. "Oo? Kung hindi ka tinitigilan eh.. Hinayaan mo na sana.."

"Sige sabi mo yan ah?" paninigurado niya.

"Oo beh, mas importante ka naman eh."

Hinding hindi ako mapapakali hanggat hindi siya tinitigilan ng taong yon. Pede ko naman sanang kausapin kaso si beverly na ang may ayaw. Kesyo hindi daw namen alam kung anong pedeng mangyare kapag ginawa ko yon.
Gusto ko sanang magpumilit pero ayaw niyang magpapilit eh, tsk.

Napatigil ako sa pag-iisip at pakikipag-usap kay beverly nang marinig kong tinatawag ako ni papa. Agad akong lumingon sa kaniya bago pa siya makalapit.

"Po?"

"Anak pahiram muna ng cell--"

"Papa ginagamit ko po" pagputol ko sa kaniya.

"Saglit lang anak, may kakausapin lang akong tao--"

"Alaaa!" pag-alma ko.

"Dali na anak, ibabalik ko din agad mamaya, may cocontactin lang akong importante"

"Eh papa ginagamit ko nga!" asar na sigaw ko. Natigilan naman siya sa inasta ko. Nakakainis kasi eh. Ilang gabi na niyang hinihiram ang cellphone ko, hindi ko na halos magamit. Nung una ayos lang saakin kasi niloloadan niya naman, kaya lang hindi ko na kasi halos magamit eh.

"Bukas niyo na po hiramin ulit saakin, ginagamit ko lang talaga ngayon" sabi ko habang nakasimangot parin sa kaniya. Ngumiti lang naman si papa saakin bilang sagot at hindi na umimik saka agad na bumaling sa kapatid kong lalaki na nasa labas din at inutusan iyong bumili ng sigarilyo niya. Pagkatapos non ay hindi na muling lumingon saakin si papa, at naglakad na pabalik sa bahay niya.

"Hoy bakla bakit mo naman sinigawan?" tanong ni Beverly. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Biglang parang nakonsensya ako. Dapat ba pinahiram ko siya? Bakit nga ba kelangang pagtaasan pa ng boses? Tanga talaga!

"Naiinis na kasi ako eh.. Lagi nalang.." mahinang sabi ko. Napabuntong hininga naman siya.

"Kahit na. Nako ate jane malamang sasama ang loob sayo non, alam mo namang paborito kang anak non tapos sinigawan mo." sabat naman ni ana. Nakanguso naman ako at nakokonsensyang napatingin sa bahay ni papa. Mukhang sumobra nga ako don ah..Bakit ba kasi ako sumigaw? Hindi ka ba makaimik mg mahinahon?! Tsk.. Nagkapatong-patong na kasi ang mga isipin ko eh tsk. Stress pa ako kay dayong tapos bigla siyang susulpot. Ayan tuloy.. 'Sorry papa..' sabi ko sa isip ko habang nakasulyap sa bahay niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hay nako, tara na nga sa tambayan! Nandon na daw sila. Magsorry ka nalang sa papa mo bukas." sabi naman ni beverly. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na sumagot.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now