Chapter 30

21 2 0
                                    


"Pormang porma ah! Bungad ko kay pichie nang makarating ako sa room. Ngayon na yung pinaka-last day namen sa school. Card giving eh. Actually, pede namang magulang nalang ang kumuha pero napagkasunduan namen lahat na kami nalang ang kumuha para makapag-kita kita parin kame bago tuluyang magbakasyon ang bawat isa.

"Gaga, Simpleng outfit lang yan!"

"Hindi eh.. parang may iba eh. Ilang araw lang naman ang lumipas pero parang may napansin ako sayong bago bakla." pang-aasar ko. "Tell me, sinong pinagpapa-gandahan mo? ha?"

Inirapan ako ng bruha. "Natural na akong maganda, bakla. Wag ka ng mabigla" Napangiwi ako.

"Ang kapal ng mukha mo." untag ko, tinawanan lang ako.

"Baby!" sigaw ng lalaki sa may likuran ni pichie. Sabay kameng napalingon.

"Goodmorning, baby" Nang-aasar na bati ni carl kay pichie nang makalapit. Agad syang inirapan ni pichie. "Wag mo nga akong tawaging baby!"

"Ohh bakit naman? agang-aga bumubuga ka kaagad ng apoy. Meron ka no?" pang-aalaska ni carl kaya lalong naasar si pichie. Natatawa nalang ako habang nanunuod sa dalwang haliparot. Parang naging invisible ako bigla. Hays.

"Hoy, maghinay-hinay kayo sa pag-aasaran nyong ganyan ah? Baka mamaya magugulat nalang ako may nafall na pala sa inyo dahil pag-aasaran nyong yan" nang-aasar kong banta sa dalawa.

"Yakk beh! Ito? Ito magugustuhan ko? Eh napaka-balahura ng taong to!" bulalas ni pichie habang tinuturo-turo si carl. Natawa naman si carl. Di makatanggi eh, aminadong balahura nga. Haha.

"Gwapo naman" anang carl.

"Ewwww" react nameng dalawa ni pichie. Natawa si carl. "Napaka-gaganda nyo naman" sarkastiko nyang sabi sabay tawa kaya sinamaan namen pareho ng tingin ni pichie. Gago eh?

"Biro lang eh, tska ano namang masama kung ma-fall ako dito sa baby ko? Maganda naman to kahit malapad ang mukha eh. Pede na yan!" pang-aasar na naman ng carl. Sinapok sya ni pichie.

"Gago ka ah?! Sinong malapad ang mukha? At wag mo sabi akong tawaging baby! Hindi ako sanggol!" panay naman ang ilag ni carl sa mga hampas ni pichie.

"Ikaw kaya ang nauna!"

"Cinareer mo naman?! Siraulo!"

"Aray! Baby naman? Masakit yun ah" reklamo ni carl.

"Stop calling me baby! Nakaka-asiwa na!" natatawa nalang ako habang pinanunuod sila. Ewan ko ba dito kay carl, hilig na naman sadya nya ang mang-asar sa lahat pero parang nitong mga nakaraan, palagi nalang si pichie ang puntirya nya. Hmmm..

"Makikiraan nga mga sanggol. Papasok na ako sa room eh, nakaharang kayo" untag ko at saka dumaan pa sa mismong gitna nilang dalawa. Saglit akong tumigil sa harap ni pichie at saka nang-aasar na ngumiti. "Beks, wag kalimutang mag-retouch every 2hours okey? keep up the good work" mahina ko syang tinapik-tapik sa balikat at saka tuluyang naglakad papasok ng room.

Kokonti palang ang nasa room. Ang alam ko kasi wala namang oras na ibinigay si maam, basta dapat ay ngayong araw na ito kaya hindi sabay-sabay ang dating ng mga kaklase ko. Pero kameng mag-babarkada ay may usapang oras dahil papasyal pa kame pagkatapos ng card giving.

Saglit lang din nameng nakuha ang cards namen at mas matagal pa ang inilagi sa classroom para lamang maka-bonding pa sa huling pagkakataon ang mga magkakaklase.

"San ba lakad natin?" anang camia. Magkaka-ungkot kameng apat na babae dito may sulok ng room—nagchichismisan.

"Tara kaya sa San Pablo? Sampaloc Lake nalang ulit! Bike tayo, ano tara?" aya ni judy.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now