Chapter 4

22 4 0
                                    


"Hindi ko kaya .."

"Hindi mo kaya? Ano bang nangyayare sayo?" takang tanong ni beverly

Ngumiti lang ako at tumingin sa kaniya "Hindi ko kaya eh .. Wala akong lakas ng loob. P-pakiramdam ko'y kapag sinimulan ko siyang sumbatan ay iyon na ang katapusan ko.. Nameng dalawa"

"Kaya magtitiis ka na lamang ng ganiyan?" di makapaniwalang tanong niya. Malungkot lang akong ngumiti sa kaniya..

"Atleast diba? Masasabi kong boyfriend ko siya.. Kapag dadaan siya nasasabi ko sa sarili kong 'pag-aari ko ang lalaking iyan' hindi niya ako pinapansin pero girlfriend nya ko beverly. Iyon nalang ang pinanghahawakan ko k-kahit ginaganito nya ako" mahinang sabi ko. Nangingilid na naman ang luha ko kaya ngumiti ako ng pagka-laki laki.

"I can't believe you.." di makapaniwalang sabi nya. Kung tingnan niya ako'y parang sinasabi niyang hindi na nya ako makilala dahil hindi naman ako ganito. Hindi ko naman alam na isang lalaki lang pala ang makakasira ng prinsipyo ko sa buhay.

Nginitian ko siya.. "Hayaan mo na.. Sabi naman niya'y papansinin na daw niya ako eh." "At pano kung hindi niya gawin?" taas kilay niyang tanong.

"Edi wag niya"
"What?!" ngumiti naman ako at tumingin sa kaniya at kay ana.
"Gawin niya ang gusto niyang gawin.. Ituring niya akong hangin hangga't gusto niya." "Ano bang pinagsasabe mo diyan?!" naiiritang tanong naman ana.

"Ang sinasabi ko lang.. Ay hayaan nyo munang akong maging tanga sa ngayon." sabi ko ng may ngiti sa labi. "Sa tingin ko naman ay kilala ko ang sarili ko at alam kong titigil din ako kapag alam kong inaabuso na ako ng ibang tao" tinitigan lang naman nila ako ng nakataas ang kilay kaya natawa ako.

"What? Suportahan niyo nalang ako dito.. Huwag kayong mag-alala. Huling pag-asa ko na iyong sa monthsarry namen. Umaasa kasi akong may surprise siya saakin kaya siya nagkakaganito eh. Kapag may nangyareng maganda sa araw na iyon at nagbago na ang tungo niya saakin, edi ayos. Kapag hindi, sign na yon na tumigil na ako. Basta sa ngayon nanamnamin ko muna ang sakit" natatawa kong sabi. Wala lang.

"Ewan ba namen sayo bakla ka bahala ka nga sa buhay mo." sabi naman ni
Beverly kaya nginitan ko nalang silang dalwa. Alam ko naman na hindi sila mawawala sa tabi ko kahit ano pang desisyon ang gawin ko..

Nagkwentuhan nalang kame ng ibang bagay at nagtuloy tuloy sa paglalakad hanggang sa makauwi.

Sa ngayon ay aasa muna akong aayos na kameng dalwa dahil sa sinabi niya saakin kanina.

Pero hindi nangyare.

---

Lumipas ang mga araw at bukas ay monthsarry namen pero iyong sinabi niyang mababago na ang trato niya saakin ay hindi nangyare. Sa totoo lang ay nawawalan na ko ng pag-asa. Bahala na. May isang salita naman ako sa sarili ko. Hanggang bukas nalang ang iaasa ko.

Nag-gayak na ko para sa pagpasok at nagmadaling umalis dahil male-late na ko. Pagdating ko sa school ay tumakbo na ko papuntang room kahit may ilang minuto pa naman bago mag-time. Wala lang, nakasanayan ko lang. Late o hindi tumatakbo ako papasok ng school.

"GOODMORNINGGGGG!" Bati ko sa mga kaklase ko pag pasok ko ng room.

Alisin ang mga bad vibes at ikalat ang positive vibes!

"Hello goodmorning!" bati pabalik ni ate virgie. "Ang hyper mo yata ngayon ah?" tanong nya.

"Owss? Si ate naman di pa nasanay eh araw-araw kaya akong hyper!" natawa naman siya sa sinabi ko. "Ate sabay tayo mag lunch ah? May baon akong kanin ngayon eh hahaha"

"Oh sure. Himala nagbaon ka?"
"Eh himalang may luto sa bahay kanina eh kaya nakapag baon ako. Tska ang init init sa kainan diyan sa likod kaya baka magbaon na ako araw-araw."

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now