Chapter 42

22 3 0
                                    

"So sure na talagang hindi ka na aalis?" paninigurado ni judy. Tamad akong tumango saka dumampot ng junk food na nasa lamesa.

"Taray mo naman? Noong sinubukan ka nameng pigilan, ayaw mong paawat. Tapos ngayon, konting paawa lang ni dada—bigay ka ka agad?" sarkastikong saad ni pichie. Nagkibit balikat ako.

"Ayaw ko rin naman talagang umalis." patay malisyang sabi ko saka nagpatuloy sa pag-nguya.

"Mukha mo! Excited na excited ka nga ng mai-offer sayo ang scholarship na yan. Di ko ba malaman sayo kung bakit kailangang umatras ka pa, eh ang gandang offer na non!"

"True!" sangayon ni judy. "Kung saakin nai-offer iyan, grab ko talaga agad. Teh, para rin naman sa magandang kinabukasan mo iyan!"

Napanguso nalang ako. "Alam ko naman 'yon, eh."

"Eh bakit nga ba umatras ka do'n sa offer, mame?" takang sabat ni camia na abala kanina sa pagkain.

"Ano ka ba, camia? Hindi mo pa ba alam?" di makapaniwalang tanong ni pichie sa kaniya. Inosente itong umiling.

Napabuntong hininga ang dalawa. "Bakla, hindi ka nakikinig. Kasi nga pinakiusapan siya ni dada na 'wag nalang umalis!" hasik ni judy.

"Ah, oo narinig ko nga 'yon kanina. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pumayag si mame? Kasi syempre diba? Mas magandang choice ang umalis dahil mas magandang opportunity ang haharap sayo doon."

"Eh syempre, marupok tong mame mo eh!" hasik ng baklang judy.

"Marupok?"

"Oo, marupok! Sinabihan lamang na huwag nang umalis ay talagang hindi nga aalis ang bakla! Gano'n kamahal ng baklang 'yan si dada. Kaloka!"

"Yes. Napaka-strong!" pairap na sagot ni pichie.

"What? May feelings si mame para kay dada? Kelan pa?" gulat na tanong ni camia.

Napamaang ang dalawa sa kaniya.

"Saan ka ba kasi nagsusuot nitong nakaraan at huling-huli ka na sa balita?" takang saad ni pichie.

"Ganito kasi iyon.." panimula din si pichie.

At iyon na nga. Nagsimula na silang pagchismisan ako na para bang wala ako rito sa harapan nila. Tamad na tamad akong nilantakan ang mga pagkain sa lamesa.

Nandito kame sa paborito kong cafe. Nasa loob kameng girls samantalang ang mga boys naman ay nasa labas dahil pinalabas nameng mga babae. Paanong hindi? Kung maglaro ng ML, akala mo naman ay sumasabak sa sabungan. Ang iingay.

"Parang wala sa harapan niyo ang pinag-chichismisan niyo, ah?" I said flatly. Inirapan naman ako ng dalawa samantalang si camia naman ay gulat na napatingin saakin.

"Ala mame, may mga ganoong pangyayare pala. Hindi ko alam!" gulat na aniya. Natawa ako.

"Pawala-wala ka, eh." sabi ko nalang.

"Pero mame, sure ka na dyan? Hindi ka ba nanghihinayang?" nag-aalalang tanong niya. Ang dalwang bruha naman ay mataman ding tumingin saakin—tila inaabangan ang sagot ko. Napabuntong hininga ako.

"Syempre nanghihinayang. Singapore na iyon, eh."

"Oh eh bakit umatras ka paren?" judy asked boredly. Tumingin ako sa kanilang tatlo.

"Kapag umalis ako, sino na ang lalapitan ni dada? Saakin lang nagsasabi 'yon."

Halos sabay-sabay namang nagbagsakan ang mga balikat ng tatlo.

"Ewan ko saiyo, jane. Hindi ko na alam kung saan mo nilalagay ang utak mo, eh." komento ni judy.

Natatawa naman akong napatingin sa kaniya. "Wow. Coming from you." sarkastiko kong saad. Napanguso siya.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now