Chapter 62

12 2 0
                                    

Chapter 62

"Okay." Napamaang ako sa isinagot ni mama. Si Daryll naman ay gulat na tumingin sa kaharap.

"Payag po kayo?" naniniguro nitong tanong. Nakangiting tumango si mama.

"Oo naman. Kailanman ay hindi ako naging maramot sa bahay. Nakasanayan na nga ng mga anak ko ang magpatulog rito ng kanilang mga kaibigan noon pa man, at walang problema iyon sa akin." Natigilan si Daryll.

"Pero... iba po ang pakay ko. Hindi po ako basta kaibigang makikitulog lang..." muling ngumiti si mama.

"Alam ko." Sumulyap ito sa akin saka muling tumingin sa lalaki. "Ayusin mo ang mga dapat mong ayusin at buong puso kong ibibigay ang suporta ko sa'yo." Napakurap-kurap si Daryll habang nakatitig sa aking ina. Maging ako ay napamaang rin. Hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa utak ni mama at sinabi niya ang mga bagay na iyon. Gusto ko man siyang kumprontahin ay hindi ko magawa dahil naririto si Daryll. Napanguso ako.

Mamaya ko na lamang siya kakausapin.

"M-maraming Salamat po, tita!" ngumiti si mama.

"Naroroon lamang ako sa kusina at maghahanap ng makakain. Akina na ang mga pagkain riyan at ako na ang mag-aayos doon." Aniya at pinagkukuha ang mga paper bags na may lamang pagkain. Pagtapos ay naglakad na ito papuntang kusina. Nagkatinginan kami ni Daryll. Naiilang akong nag-iwas ng tingin.

"A-anong ibig mong sabihin do'n sa sinabi mo?" tumitig siya sa akin at saka ngumiti.

"Mga tanong ko muna ang sagutin mo, pwede? I badly need answers now." Napanguso ako.

"Ano ba ang gusto mong malaman?" mataman siyang tumingin sa akin at saka nagbuntong hininga. Naglakad siya papuntang sofa at saka umupo roon. Tinapik niya ang tabi nito.

"Come here and we'll talk." I sighed and walked towards him. Umupo ako sa tabi niya. He shifted his weight and slightly faced me. Ang isa niyang kamay ay nakadantay sa sinasandalan kong sofa. Samantalang ako ay nanatili lamang na nakaharap sa may TV.

"Okay?" bahagya ko siyang tiningnan gamit lamang ang mata ko.

"Tell me everything now."

"Tungkol saan ba kasi?"

"Tell me about Primo first." Napabuntong hininga ako saka marahang tumango.

"Okay." I took a deep breath and made myself comfortable on my seat. Saglit ko siyang tiningnan at nginitian. "So... His name is Primo Jalite Resurrecion. I named him Primo because it means 'First' in Spanish. He was my first and only son, my first greatest love, and my first priority, of course. Jalite... well, uhm." I smiled awkwardly. "It was actually just a combination of our name. You know, just Jane and Lite, you see." Napakamot ako sa ilong at nag-iwas ng tingin nang makita kong napangiti siya pero hindi nagsalita. Nagpatuloy ako sa pagkukwento.

"He's 6 years old now, you know that. He just finished his kindergarten in Singapore before we flew here and he will be in grade one this coming school year. I already enrolled him in Saint Jhon Parochial School and it will start on July which is next month kasi almost June na rin naman." Primo's birthday is May 27. Bahagya akong tumingala at napangiti nang may maalala.

"He was so smart and active in school. Hindi iyon umuuwi nang walang star sa kanyang kamay at pagkakarating sa bahay ay gusto palaging gumawa muna ng assignments at saka pa lamang maglalaro pagkatapos. Araw-araw niyang pinagmamalaki sa akin ang mga stars na nakukuha niya. Hindi siya napapagod at hindi nababawasan ang excitement niya na para bang hindi normal sa kaniya ang makatanggap ng ganoon sa araw-araw. Ganoon siya. He likes to impress me every day. Gustong-gusto niya kapag sinasabi kong proud na proud ako sa kaniya." Napapangiti kong saad. Naalala ang mga araw namen doon sa ibang bansa.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now