"Bakla on the way na ako! Paki-abangan naman ako sa bababaan ko kasi hindi ko talaga alam kung san yan eh.." paki-usap ko kay beverly over the phone.I'm on my way now to San Antonio Church. Binyag ngayon ng inaanak ko kaya nagmamadali ako kasi nandoon na silang lahat, ako na lang ang wala.
Kung bakit ba kasi doon pa bibinyagan? Di na lang sa simbahan ng Tiaong? Napabuntong hininga nalang ako sa naisip.
Wag lang sana akong maligaw.
"Oo si jeremy na ang mag-aabang sayo kasi hawak ko si baby eh."
"Sige bakla. Mag tetext ako sayo ha? Baka makalampas kasi ako, pero kinausap ko naman na yung driver" ani ko. Tumawa siya.
"Huwag kang mag-alala mamaya pa naman mag-uumpisa ang misa. May seminar pa."
"Oh sige sige bakla, tatawag nalang ako sayo ulit kapag naka-pasok na ko ng bayan ng San Antonio ha?"
"Sige be."
"Alright. Byee!" and then I ended the call.
Payapa nalang akong naningin sa labas ng sasakyan. Medyo pamilyar pa naman ako sa daan.
Yes. Beverly has a son already. As well as ana. Pareho na silang may asawa at anak ngayon. It's still early for thier age though, but I'm happy for them. Baby is a blessing, always.
Nauna nang mabinyagan ang baby ni ana nung July pa, while itong kay beverly naman ay ngayong December 21. Pabor siya sakin sa totoo lang. Para iisa na ang pakimkim at papasko ko kay baby dos hehehe! Si uno na lang ang poproblemahin ko sa pasko.
Oo ako na ang kuripot, bwiset.
Wag niyo ng pansinin ang paraan ng pag tawag ko sa mga inaanak ko dahil talagang binibilang ko iyan.
"Manong malapit na po ba tayo?" tanong ko sa driver after 10 minutes on the way. Feeling ko lalampas ako. Tsk.
"Malayo-layo pa neng. Ititigil nalang kita doon, huwag kang mag-alala." mabait na aniya. Napangiti ako.
"Salamat po manong."
Kinuha ko nalang ang cellphone ko para i-chat si dada. Malapit lang kaya iyong simbahan sa bahay nila? Hmm.
Me: DADAAAAA
sent!
Kaso offline. Napabuntong hininga ako.
Ilang minuto matapos makalampas sa kanto nina dada ay nakarating na rin ako sa wakas sa simbahan. Naka-abang na saakin si jeremy sa tabing kalsada.
"Maraming salamat po!" sigaw ko sa driver nang maka-baba. Agad akong bumaling kay jeremy na naka-ngiti na saakin.
"Hello! Nag-sisimula na ba?" Bungad ko sa kaniya.
"Hindi pa naman. Napa-aga ka pa nga." natatawang aniya.
"Ay ganon?" natatawang sagot ko. Lumiban kame ng kalsada at saka naglakad papasok ng simbahan.
"Daming tao." puna ko.
"Oo. Maraming magpapa-binyag ngayon eh." napatango-tango nalang ako at naglakad na sa gawi ni na beverly.
May ilang hakbang pa bago ako tuluyang makalapit ay naka-dipa na ang mga kamay ni dos habang nakangiti saakin. Tila gusto na agad magpabuhat kahit nasa malayo pa man.
Uhh baby, you're so cute.
I smiled sweetly before half running towards them. Mabilis kong kinuha ang bata sa bisig ni beverly.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
No FicciónA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...