Lumipas ang pasko, bagong taon at ngayong buong bwan ng enero ay naging abala ako sa paghahanda para sa ENCAE exam at periodical exam maging sa pag papractice ng sayaw para sa intermission ng section namen sa dadating na juniors prom.Ramdam ko ang malaking pagbabago saakin matapos ng pangyayareng iyon pero di ko na yon ginawang big deal sa sarili ko. Hindi ko akalain na may mas itatahimik pa pala ako.. Sa hapon, may practice man o wala ay mas pinipili ko nalang na maglakad. Kahit may pagkakataon na pede naman akong sumabay kina ana at beverly ay hindi ko na rin ginagawa. Mas gusto kong mag isa, tahimik at malayang nakakapag layag ang aking pag iisip.
Hindi na rin kame madalas mag usap ni leon pero kapag may pagkakataon naman na magkakasalubong kame sa daan ay nagkakamustahan paren.. Hindi na nga lang gaya noon na madalas mag usap sa phone. Dumistansya nalang ako ng konti para sa sarili ko at para narin sa kanya para hindi na sya nalilito sa nararamdaman nya.
Kelangang nilang magkatuluyan dahil nagsakripisyo ako para sa kanila. Charr!
Card giving ngayon, buti nalang hindi na kelangan ng magulang dahil pinauwi nalang ang card sa mga estudyante. Madalas kasi ay hindi pinadadala ang card at magulang ang pinapupunta sa school para makapirma sila sa card.. Palagi kasi akong hirap kapag mag papapunta ng magulang sa school eh, sa tagal ko na dito sa school ko, tatlong taon pero ni isang event dito na may kinalaman sakin ay hindi nakakapunta ang magulang ko. Meetings, performance ko sa stage kapag may sinasalihan akong paligsahan, sa pag peperform ko kasama ng glee members ko. Hindi pa nila ako nakikitang nagpeperform sa stage at maging family day ay wala sila.
Syempre noong una ay nagdadamdam ako, pero kalaunan ay nasanay na rin. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko yung family day nung grade 7 ako na nagsuggest pa ako sa teacher ko na kakanta kame ni mama sa stage para sa intermission. Bida-bida pa ako sa pagsusulat ng pangalan namen ni mama sa listahan niya pero ako rin ang napahiya kasi hindi natuloy dahil nangyare iyong napaka-laking gulo sa pamilya namen. Hindi ko naman sya pedeng paakyatin ng stage na puro pasa at may blackeye pa. Tsk tsk tsk. Bad memories.. My most painful memory..
"For our rank 3, we have Ms. Asther Jane Resurecssion!" natigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang pangalan ko. Napatingin ako sa buong klase at nagulat ako na nakatingin sila saakin lahat na may ngiti sa mga mukha at pumapalakpak.
"Maam ano po yon?"
"Hoy teh! Lutang ka jan. Kunin mo na yung certificate mo kay maam at baka mabawi pa!" sigaw ni sheshe saakin at tinulak pa ako. Naguguluhan man ay pumunta ako sa unahan. Alam ko namang magkaka-top ako pero hindi ko narinig kung ano yon kaya hindi ko magawang mag diwang.. Feeling ko kasi medyo naging pabaya ako nitong nakaraan kasi dumalas ang paglabas ko sa gabi..
"Congratulations" nakangiting sabi sakin ni maam saka nakipag shake hands, ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Kinuha ko yung certificate ko at maglalakad na sana ako pabalik sa upuan ng makita ko sa certificate ko yung rank ko.
"Maam? Rank 3?" nagugulat kong tanong nang makaharap ulit kay maam.
"Oo jane, bakit? Hindi ka ba masaya?" nakangiting tanong nya saakin. Nanlaki ang mata ko.
"Po? Hindi po! Masayang masaya po ako maam! Thankyou po!" tuwang tuwang sabi ko. Nagtawanan naman ang buong klase. Natanaw ko pa si daryll na nakangiti saakin at tumango, nginitian ko naman siya pabalik. Ngiting ngiti akong bumalik sa upuan ko kaya tinawanan naman ako ng mga kaibigan ko.
"Ngiting tagumpay ah"
"Akalain nyong tumaas pa ako? Rank 5 lang ako nung last grading eh? Akala ko nagpabaya na ako lintek magcecelebrate ako nito!" galak na galak kong sabi kaya natawa sila.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
No FicciónA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...