It's been months since my father passed away, and we are still in the process of healing. Minsan may moment na masaya ako, parang normal na araw lang tapos bigla-bigla nalang akong mapapatigil tapos iiyak nalang basta kasi naalala ko bigla si papa.. but all in all, we are getting better. For some reason after my father died, my family and I became more close with each other. And it's a good thing.
"Nak usungan mo ko dito sa lamesa, hindi kaya ng powers ko." ani ni mama kaya agad akong lumapit sa kaniya para tulungan siya sa pagbubuhat. Ilang bwan na kasi ang lumipas pero ngayon palang kame naghahakot ng gamit sa bahay ni papa. Kelangan na kasing gibain ang bahay, ewan ko kung anong plano ni mama sa lupang ito. Hindi rin naman ito samin eh. Kinukuha lang namen sa ngayon ang mga gamit na mapapakinabangan pa. Agad akong nag-unat nang maibaba namen ang lamesa, napakabigat kasi dahil purong kahoy. Ang sakit tuloy sa likod.
"Alisin mo muna ang bubog nang lamesang iyan para makuha mo lahat ng pictures na naka sipit kasi papalitan natin yan ng sapin na tela, sobrang dumi na grabe nakakarumi ng tingnan" sabi ni mama na arang diring diri pa kaya natawa ako. Ang panget ni mama..
Agad ko namang sinunod ang sinabi ni mama habang siya naman ay bumalik sa bahay ni papa para magtingin ng iba pang mga gamit. Maingat kong binuhat ang glass ng mesa at saka ito isinandal sa pader para hindi matumba. Pinagkukuha ko na lahat ng litratong naging pinaka-disensyo ng mesa. Mga certificates ko, picture namen nung maliliit pa kame ng mga kapatid ko, family pictures.. Lahat yon nakasipit dito. Hindi ko tuloy maiwasang titigan ang bawat isa. Napatitig ako sa sa family tree na nakasipit din doon. Ako ang gumawa non, kasi project ko yon sa ESP subject ko nung grade 8 ako. Napakuyom nalang ang kamao ko nang makitang wala na doon ang picture ni papa, halatang tinuklap at saka pinag-gugurihan ang pangalan niya na nakasulat sa family tree. Kahit ito hindi manlang pinalampas ni papa, alam naman niyang nag-effort akong gawin to eh tsk.
Sinalipot ko nalang agad iyon at saka mabilis na pinag-kukuha ang mga natitira pang litrato sa lamesa. Hindi ko na mahawakan lahat kaya halos manlaglag na ang iba, nilampasan ko nalang muna upang maipasok sa kwarto ang mga hawak kong litrato saka ko binalikan ang mga nahulog kong pictures. Kapansin-pansin naman ang litratong nakataob na may sulat sa likod kaya agad ko itong dinampot upang tingnan kung anong picture yon. Napakunot ang noo ko nang makitang picture ko iyon—my graduation photo when I was in grade 6. Agad kong binaliktad ang picture para makita ulit kung anong naka-sulat doon.
'Anak, mas mabuti pang ikaw ang mahal kesa ikaw ang nag-mamahal..'
Hindi ko maintindihan. Ano ba ito bugtong? Ilang minuto kong tinitigan ang sulat at pilit inintindi ang mensaheng nakasulat. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nangilid ang luha ko nang maintindihan ko na ang sulat. Ngek? Para akong baliw na nakangiti habang iiling-iling. Ang papa talaga nag-iwan pa ng habilin, takot na takot na masaktan ang kaniyang anak.. wala sa sariling hinaplos ko ang bawat letrang nakasulat doon na para bang ninanamnam ko ang bawat letrang nakasulat at itinatatak sa aking isip kung anong habilin niya. Napangiti ako, wag kang mag-alala papa.. matapang ang anak mo. Walang makakasakit saakin nang hindi ko kakayanin.
Tinapos ko na ang pag-tatago ng mga litrato sa kwarto at saka naghanap sa tukador namen ng maaaring isapin na panibago sa lamesa bago patungan ulit ng bubog. Nang matapos ay agad na akong bumalik sa bahay ni papa para tulungan si mama na maglinis doon.
"Anak anak dali!" Tarantang sigaw ni mama saakin nang makita ako kaya agad akong napatakbo sa kaniya kahit di ko pa alam ang nangyayare dahil lumilipad ang isip ko habang naglalakad. Nang makalapit ako saka ko palang naintindihan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magseseryoso din dahil kita ko namang seryoso si mama sa sitwasyon niya. Tinangka niya kasing itayo ng patagilid iyong mabigat ng kama, mukhang hindi niya kinaya ang bigat kaya hindi siya magkanda-ugaga sa kakatulak nang kama dahil madadaganan siya kung nagkataon. Pigil na pigil ko ang tawa ko habang tinutulungan ko siyang magbuhat ng kama, kaya lang, kakapigil ko ng tawa ko, nawawalan ako ng lakas kaya wala halos akong naitulong kaya lalong nag-histerya ang mukha niya.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...