Chapter 5

23 3 0
                                    


Kinakabahan ako. Today is our 2nd monthsarry. Oo dalwang buwan palang kame pero halos dalwang taon narin naman mula noong magsimula ang storya nameng dalawa kaya kahit ganitong nagsisimula palang kameng dalawa ay pakiramdam ko'y sobrang nakadepende na ako sa kaniya.

This is the day that I've been waiting for.. Hindi ko alam kung pagkatapos ba ng araw na ito'y magiging kame paren o maghihiwalay na. Pero ayoko muna sanang mag isip ng negatibo kaya pilit kong iniisip na mas malaki ang tyansang magiging maayos itong araw na ito para saamin. May surprise siya alam ko.. At kung wala man ay paniguradong magkakasama parin naman kame ngayong araw dahil araw naming dalawa ito.

Excited akong pumasok ng school. Pagbaba ko ng trycicle na naghatid saakin sa School ay inasahan kong makikita ko siya doon mismo sa gate at nag-iintay saakin pero wala. Baka lang kasi may gawin siyang espesyal ngayong araw kahit manlang sabayan ako sa pagpasok sa loob dahil monthsarry naman namen pero wala siya. Hindi bale, hindi ako maapektuhan niyan dahil hindi naman niya talaga ginagawa saakin iyon. Natawa nalang ako saaking sarili.

Naglakad na ako papunta sa room ko at muling umasa na nandoon siya't nakaabang saakin pero syempre wala parin. Ayos lang, hindi naman niya kasi talaga gawain iyon eh.

"GOODMORNINGGG!" Bati ko sa mga kaklase ko sa room. Mukhang makakasanayan ko na itong gawin ah.

"Goodmorning Ms. Hyper!" bati pabalik saakin ng friends ko. Natawa naman ako sa sinabi nila. Well, this is me. I smirked.

Nagkwentuhan lang kame saglit at ng magtime ay nakinig na sa klase. Active naman ako sa room, kung may poproblemahin man ako ay paniguradong Math iyon dahil kahit anong gawin kong pakikipag-kaibigan ko sa kaniya ay talagang hindi kame magkasundo. Tanggap ko na ang bagay na yon. Haha!

Same routines lang sa school. Noong mag breaktime ay hinila ko na sina dolo sa canteen at sabay sabay kameng nagmeryenda. Feeling ko nga ay madalas nalang silang napipilitang sumama saakin at hindi lang makatanggi dahil sa kakulitan ko. Kung titingnan mo kasi sila ay parang wala sa itsura nila ang pala-labas ng classroom pero walang magawa saakin dahil mapilit ako, isa pa ay sanay ako laging may kasama kahit saan pa ko magpunta.

Nang mag lunch ay nagpaalam na ko sa kanila dahil sa labas ako kakain.
"Akala ko ba magmamaluto ka na palagi?" tanong ni ate virgie

"oo nga pero hindi muna ngayon kasi niyaya ako nuong mga kabarkada ko saamin eh. Sabay-sabay daw muna kame ngayon. Wag mo naman ako agad mamimiss ate virgie! Hahaha"

"Sira! Ge bahala ka. Happy monthsarry nga pala sa inyo ha? Asan na ba yon? Bakit di ko pa yata nakita?" takang tanong niya.

"Awww Thankyouuu!" sabay yakap sa kaniya. "Nandyan lang iyon sa tabi-tabi ate virgie. Mamaya pa siguro kame magkakasama." kinikilig na sinabi ko sa kaniya.
"Buti ka pa naisip batiin ako di tulad ng IBA jan! Mukhang mga walang alam sa mundo!" asar na pagpaparinig ko sa mga bruha doon sa gilid. Tatawa tawa naman sila saakin. Aba't talagang!

"Happy monthsarry!" sabay sabay na bati nila saakin sabay tawa.
"Akala mo naman magtatagal hahaha"pang-aasar ni Joy.

"Hoy hoy wag nga kayong ganyan ah? Ang nenega niyo. Dapat sa inyo nag boboyfriend narin para naman hindi malulungkot ang buhay nyo! HAHAHA" balik na pang-aasar ko sa kanila

"Aba sila lang, meron akong akin" mayabang na sabi ni Sheryll. "Oh edi kayo na! Kayo na!" sabi ni Dolor na tinawanan lang nina Joy at Sheryll.

Tumingin naman ako kay ate Virgie at tinaasan ko ng kilay. Tinaas nya lang yung dalwang kamay nya. "Pass ako diyan. Study first."

"Asus! Bahala nga kayo diyan. Oh siya uuna na ko at baka kulangin pa ko sa oras sa layo ng gate natin" sabi ko sabay tawa. Nagsipag-kawayan naman sila saakin kaya bumaba na ako at naglakad palabas ng gate. Nandoon na sila Beverly sa labas inaantay na ako. Tanghali na pero hindi ko pa nakikita si Leon. Dibale pupuntahan ko nalang siya sa room niya mamaya.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now