Katulad ng nakasanayan ay pumasok ako ng walang kain at walang baon. Walang kain dahil walang perang pang-almusal at walang baon dahil--well nasabi ko na bang wala kameng pera? Tss.
Well hindi naman kame palaging ganito, may mga pagkakataong sagana kame pero kadalasan ay ganitong kapos na kapos kame. Madalas ay hindi na kame pinapapasok nina mama pero dahil nagpupumilit ako ay pumapasok parin ako kahit walang baon.. Mabilis lang naman lilipas ang maghapon.Walang laman ang tyan akong pumasok sa klase. Nung una ay natitiis ko pa ang gutom pero habang tumatagal ay nananakit na ang tyan ko kaya nawawala na ako sa wisyo at hindi makapag focus sa klase.
Nang maglunch ay nagstay lang ako sa room at nagpanggap na hindi nagugutom.
"Oh jane wala kang baong kanin?" tanong ni ate virgie
"A-ahh wala akong ganang kumain eh, parang hindi ko trip" pagsisinungaling ko.
"kaya ang payat payat mo eh. Dati naman kahit recess kumakain ka ng kanin ah? May problema ba?" pang uusisa niya.
"Eh nagkataong madaming pagkain sa bahay non eh hehehe.. Eh ngayon hindi ako nakapag baon ng kanin eh tinatamad naman akong bumaba para bumili ng pagkain. Diet muna ako" biro ko
"Teh wala ka ng ida-diet. Tatlong ubo mo nalang tigok ka na" pang-aalaska naman ni Sheshe. Nyetang to.
"Sapak you want?"
"Biro lang eh" sabi niya sabay peace sign at tumawa. Abno talaga eh..
Hindi ko nalang sila pinansin. Lumabas nalang ako at tumambay sa corridor upang magpahangin at tumanaw sa baba. Sabi naman ni mama ay umuwi nalang daw ako ng tanghali para magkalaman naman ang tyan ko pero hindi ko na magagawa yon. Dahil walang pera ay kelangan ko pang maglakad para lang makauwi at sa tindi ng sikat ng araw ngayon ay baka wala pa sa kalahati ang nalalakad ko ay matumba na ko sa hilo lalo't wala pang kalaman-laman ang tyan ko. Pag nagkataon ay walang tutulong saakin dahil wala akong kasama. Kaya titiisin ko nalang, tutal mamaya naman ay lilipas din ang gutom kong to.
"Hi" gulat akong napatingin sa gilid ko at doon nakita ko si Leon na hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala.
"Tsk" sabi ko nalang at saka tumingin sa baba.
"G-galit ka pa ba sakin?"
"Sinong hindi magagalit?"
"Im sorry.."
"Puro ka sorry" ismid na sabi ko. Huminga naman siya ng malalim at nakitanaw sa tinatanaw ko.
"Look, all I want is for us to be okey.. Please? Wag ka ng magalit.. I know, sobrang babaw, wala sa hulog at kahit anong pang idahilan ko ay hinding hindi magiging sapat yon para itrato kita ng ganon.. And im so guilty" sabi niya sabay napayuko.
"Im so guilty jane .. Hindi ako patahimikin ng konsensya ko and sa ngayon gusto ko nalang maging okey tayo?" masuyong sabi niya pero nanatili akong hindi sumagot."Jane please?" nanunuyong sabi niya kaya napabuntong hininga nalang ako. Tumingin ako sa kaniya.
"Eh ano pa nga ba? Nangyare na eh wala na kong magagawa don." masungit kong sagot. Nagliwanag naman ang mukha niya.
"T-talaga? Hindi ka na galit? Bati na tayo?" asar naman akong tumingin sa kaniya. "Sino bang may sabing magkaaway tayo?" kaya napakamot naman siya ng ulo. Tss.
"Sabi ko nga hehehe.. A-ahm may itatanong sana ako sayo.." alinlangang sabi niya.
"Ohh?"
"Kaibigan mo si Rodalyn diba?" nahihiyang tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Si Rodalyn Taludtud? Eh diba kaklase mo siya?" takang tanong ko. Tumango naman siya. "Oo kaibigan ko siya bakit?" nahihiyang ngumiti naman siya saakin.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...