Chapter 47

19 3 0
                                    


"Oh my god Jane, ito na ba talaga to? Uuwi ka na talaga? Finally?" bahagya kong inirapan ang screen na kaharap saka pinag-patuloy ang pag-iimpake.

"Do I look like I'm just playing around? Seryoso nga. Nag-iimpake na nga ako oh."

"Well who's to blame then? Two years ago, ganyan din ang sinabi mo saakin. Na uuwi ka na. But look, you're still there!" may bahid ng pagka-iritang saad ni pichie.

Bahagya akong natawa. Eh, kung hindi ba naman nakakainit ng ulo ang kakulitan niya ay hindi ko naman sasabihin iyon.

Right after my graduation here in singapore, hindi na yata ako tinantanan niyan sa kakatanong kung uuwi na ba ako kasi tapos na naman daw akong mag-aral. Parang bano.

"Naniwala ka naman? Kung hindi nga lang dahil kay primo hindi naman ako uuwi, eh. Besides, kung gugustuhin ko mang umuwi no'n, alam mo namang hindi pwede. It's in the contract, pichie." I said a matter of fact. Dahil hindi naman talaga pupwede kung sakaling nagplano akong umuwi two years ago.

Kasunduan iyon sa school. Na dahil scholar nila ako, I should work for their school for atleast two years bilang balik tulong before finally letting me go back to the Philippines.

Saakin naman ay walang problema iyon dahil kung ako lang, mas gusto ko na lamang manatili dito sa singapore. Nakakabisita naman sina mama dito sa bansa kada birthday ni primo.

"It's elly!" barinong aniya. I look at the screen to laugh at her face.

"Arte mo. Gumraduate ka lang, ayaw mo ng patawag sa palayaw mo." I patted the last suitcase after finally done packing my clothes before I stood up to get my phone.

"Wala kang pakealam. Kaniya-kanyang trip lang yan." I smirked.

"Ikaw na sumundo samin sa airport, okey lang? I want to surprise my mom."

Hindi kasi nila alam na may plano akong umuwi. Alam ng nanay ko kung gaano ko kaayaw umuwi, kaya nga sila nalang ang bumibisita dito kapag may pagkakataon.

"Sure, why not! Basta ikaw mag gagasolina ng sasakyan ko, walang problema!" aniya saka humagalpak ng tawa. I looked at the screen flatly. Tss. Anak mayaman ba talaga to?

"Hanggang ngayon ang kunat mo paren." I commented which makes her laugh more.

"Sobrang yaman mo na, pag-aa-anhin mo ba iyang pera mo? Balak mo bang bilhin ang kaluluwa ni carl?" natatawang ani ko. Agad namang nabusangot ang mukha niya.

"Sino 'yon? Kilala ko ba 'yon?" sarkastikong aniya. Ako naman ang napahagalpak ng tawa.

"Bakla, ahon-ahon. Hanggang ngayon napaka-bitter mo paren."

"I'm not!" depensa niya. "Wala na akong pakialam sa kaniya. Mag-stay nalang siya kung sa'n man siya naroroon at 'wag na siyang babalik!"

"Oh, chill. Ang puso." ani ko saka napahagalpak ng tawa. Pambihira.

"Ang lakas mo kasing mang-asar. Wag mo ngang mabanggit-banggit saakin ang pangalang iyan at nasisira ang araw ko!" hasik niya.

"Hindi ka pa bitter nyan, bakla?"

"Hindi nga!" muli akong napahagalpak ng tawa. I can see her veins here!

"Mag-jowa ka na kasi para hindi halatang hindi ka pa nakaka-move on. Tatlong taon ka ng single ah? Tigang na tigang ka na siguro!"

"Wow? Ikaw nga higit na anim na taon ng hindi nadidiligan! Pinuna ko ba?" agad akong napatigil sa pagtawa.

Tangina?

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now