Chapter 14

28 4 1
                                    


Sabado ngayon at araw ng paglalaba ko. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at naghilamos at nag-almusal. Tiningnan ko naman ang cellphone kong de-keypod upang tingnan ang oras at kung may text ba.

May ilang group messages mula sa iba't iba kong mga kaibigan at meron ding dalwang text galing kay leon. Personal message yon at hindi gm. Isa isa ko munang binuksan ang text ng lahat, kung anu anong quotes iyon at kung anong ginagawa nila sa oras na yon. Matapos mabasa lahat ay kay leon naman ang tiningnan ko.

From: Leon

'Goodmorning Jane :)'

From: Leon

'Don't forget to eat your breakfast :)'

Alin man sa mga text na yon ay wala akong nireplyan. Itinabi ko agad ang cellphone ko at sinalipot lahat ng marumi kong damit dito sa bahay, pinaghiwa-hiwalay ko muna lahat ng uniforms, puti, de-kolor at ang mga undergarments bago ako lumabas at pumunta kina mama para kunin naman ang lahat ng marurumi nilang damit doon. Matapos kong paghiwa-hiwalayin ang mga damit ay nagsimula na akong maglaba, malamang ay binasa ko muna lahat bago ko sabunin. May washing machine naman at dryer pero dahil mano mano parin ang pag babanlaw ay nakakapagod parin sa sobrang daming labahin dahil pang isang lingguhan ako kung maglaba sa pang-animang kataong maruruming damit na hindi lang naman isang beses kung magpalit sa isang araw. Isa pa ay mano mano ko kung labhan ang mga uniforms namen ng mga kapatid ko pati ang mga undergarments dahil hindi ako tiwalang malilinis iyon kung paiikutin ko lang.

Latang lata ako ng matapos bandang alas dose na ng tanghali. Matapos kong isampay ang kahuli-hulihang damit ay niligpit ko na lahat ng batya tska pumunta kina mama para kumain ng tanghalian. Doon narin ako tumambay at namahinga. Wala akong katulong sa labahin dahil ako ang panganay at ako palang ang may kakayahang maglaba, si mama naman ay madalas mang liban sa trabaho niya sa candelaria ay hindi rin makatulong saakin dahil may alaga siyang bata, iyong bunso namen.

Nahiga lang ako dito sa kama sa loob ng kwarto. Nga pala, medyo naipaayos na itong bahay namen. Hindi na sya basta kama lang na nilagyan ng dingding para matulugan, kahit maliit lang at gawa lang ulit sa plywood ay nakapagpa tayo na ulit sina papa ng bahay sa mismong pinagtatayuan ng bahay nameng sinira ng bagyo. Inunti unti nila sa mga nagdaang buwan at ngayon ay nagkaroon na ng sala, kusina at kwarto sa loob. Bagama't maliit at siksikan lang dito sa loob kaya hindi parin ako pedeng masiksik sa kanila pero masaya na akong kahit papaano ay komportable na sila sa tinutulugan nila. Maliit lang kasi talaga ang espasyo ng bahay namen noon, nagkakasya lang kame dahil may second floor naman, kaya salas at kusina lang ang meron sa baba at ang kwarto naman ay sa taas. Hindi kagaya ngayon na lahat ay nasa baba na.

Nakahiga lang ako lang ako sa kama at nags-soundtrip, paminsan-minsan pa ay nagrerecord ng sariling boses at iyon ang pakikinggan ko nang biglang may tumawag saakin.

Si leon. Nagtataka man ay sinagot ko pa rin.

'Oh?'

'Kamusta?'

'Ayos naman. Ikaw ba?'

'Eto ayos lang din hehehe..'

'Bat ka nga pala napatawag?'

'Ahh wala lang.. Hindi ka kasi nagreply kaninang umaga?' alinlangang tanong niya. Napakunot noo naman ako.

'Ay required ba?' natatawang biro ko, natahimik naman siya.

'Oyy joke lang hahaha. Nag laba kasi ako buong umaga' rinig ko naman na napabuntong hininga sya.

'Ahh ganun ba?'

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now