Nang mag-lunch break ay kumain lang ako sandali at nag punta na sa classroom ni Leon. Katabi ko lang naman kaya hindi ko maintindihan kung bakit hirap na hirap siyang puntahan ako pero hindi na bale, kung hindi niya ako mapuntahan ay ako na lamang ang gagawa. I know im probably too young for this kind of love but what can I do? Maagang nagmahal ang bata kong puso.Lumapit ako sa may pinto ng classroom niya at sinilip kung naroon ba siya sa loob. Ofcourse he's there. Hindi naman siya lumalabas na parang sadyang iniiwasan ako. Nandoon siya nakaupo at nakikipagtawanan sa mga kaklase niya. Ang saya-saya mo naman.
"U-umm.. Excuse me po. Pwede ba kay Leon?" tanong ko dun sa kaklase niyang malapit sa may pinto.
"ahh sige saglit lang" sabi niya at saka naglakad papalapit kay Leon at nagsalita pero hindi ko na rinig dito dahil nasa may bandang dulo sila. Malamang ay sinasabi niyang nandito na naman ang girlfriend niya, gumagawa ng oras para makasama siya.
Napatingin naman saakin si Leon, ngumiti na parang naiilang at saka naglakad papalapit saakin.
"Hi" simpleng sabi ko habang nakatitig sa kaniya. "Hello" sagot niyang hindi makatingin saakin.
"Pede ba kitang makausap?"
"Oo naman .." mahinang sagot niya kaya naman niyaya ko na siya sa may corridor para may konting privacy naman.Nakadungaw lang kame mula sa mga taong dumadaan sa baba mula dito sa second floor. Walang nagsasalita saaming dalawa at nagpapakiramdaman lang. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kaniya.
"Kamusta ka na?" Paunang tanong ko.
"Ayos lang..""Leon okay lang ba tayo? Sabihin mo naman oh."
Napatingin siya saakin saka sumagot. "Oo naman.."
"Then why are you being like this? Tell me, are you still my boyfriend or not?" mahinahong tanong ko kahit na gusto ko na siyang sigawan sa sobrang sama ng loob.
"Syempre naman Jane. Pasensiya ka na, may mga ginagawa lang kasi--"
"Are you that busy? Kahit 5 minutes hindi mo na mailaan para saakin para kamustahin manlang ako?" singit ko sa dapat na sasabihin niya dahil alam ko magsisimula na naman siyang magdahilan katulad ng nauna.
Hindi siya nakasagot. "Bakit ganon Leon? Okey naman tayo nung bakasyon hindi ba? Wala naman tayong naging pagtatalo bago magpasukan.." may diing sabi ko kasi gusto kong ipaintindi sa kaniya na may mali sa mga ginagawa niya ..
"Bakit biglang naging ganito ka? A-ayaw mo na ba sakin? Sabihin mo Leon.. Ayaw mo na ba?" nanghihinang tanong ko. Ayaw ko nito.. Ayaw kong humantong sa ganito pero dapat ay lakasan ko ang loob ko. Walang mangyayare sa usapang ito kung magpapadala ako sa takot ko.
Napatingin naman agad siya saakin "Jane hindi .. Hindi ganon." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinagka-titigan.
"makinig ka sakin.. Hindi sa ganon okey? Medyo may iniisip lang ako nitong mga nakaraang araw. Okay tayo. Okey? Okey lang tayo .." naiiyak na ko dahil hindi ko makuha iyong gusto kong sagot. Gusto kong magreklamo dahil parang inilalayo niya ako sa dapat na pag usapan namen ngunit hindi ko na magawa sa sobrang lapit ng mukha niya saakin. Lumalakas ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kaniya. Eto na naman .. Nabubulag na naman ako sa pagmamahal ko sa kaniya..
"Jane mahal kita. Wala tayong problema okey? Maayos lang tayo.. Naiintindihan mo ba?" mahinahong sabi niya saakin na animo'y nakikipag usap sa bata. Nakatitig lang ako sa kaniya, pilit iniintindi ang sinasabi niya.
"Wala tayong problema okey? Wag ka ng mag-isip ng mag-isip" sabay ngiti nya kaya natanga na naman ako.
Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at huminga ng malalim. Tumango ako sa kaniya at saka ngumiti.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...