"Oh tubig.." inabot sakin ni dada ang tubig. Si camia naman ay nanatili lang sa tabi ko."Salamat.."
"Tumahan ka na. Ang pangit mong umiyak" sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang bad mo dada. Mag gupit ka na nga lang don!" ani ko sa nagtatampong boses. Natawa siya.
"Biro lang eh. Tumahan ka na kase.."
"Tahan na nga po.."
"Pulang-pula ang mata mo oh. Mamaya para ka ng zombie" pang-aasar niya. Nagtatampo akong umirap. "Nye! Nye!"
"Oo otoy matatapos tayo niyan. Sige lang magkwentuhan lang kayo" singit ni rob. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Pedeng wait naman? Nagdadamdam pa ako dito oh!" tinawanan ako ng loko.
"Wag ka ng magdamdam jane. Ayos lang yan, sadyang parte yan ng buhay" aniya. Nagbibiro at may pamustra-mustra pa ng kamay. Gasumot na gasumot ang mukha ko. Agad namang napatigil si rob nang hampasin sya sa ulo ni prince ng cardboard na ikinatawa ni camia ng malakas.
"Ang daldal mo na naman. Mag-gupit ka na nga don!"
"Dinadamayan ko pa si jane eh!" reklamo ni rob pero agad din namang naglakad pabalik sa tabi ni lemi.
"Style mo bulok!" anang prince at saka bumaling saakin. "Okey ka na?" napatingin saakin ang lahat.
Kimi akong tumango. "Yup. Kalmado na." tumango-tango din si prince. "Ayos yan." ngumiti nalang ako at saka tumayo.
"Tara, gawa na tayo!" aya ko kay camia at dada na nasa tabi ko pa saka naglakad sa gawi nina lemi at naki-gupit. Agad din namang sumunod ang dalwa.
"Sure kang okey ka na?" tanong ni lemi maya-maya. Napatingin ako sa kaniya.
"Hindi." mataman kong sabi. Kalaunan ay ngumiti ako. "Pero magiging okey din ako. Ako pa?"
"Yakang-yaka mo yan!" maangas na aniya.
"Naman!" sagot ko saka natawa.
"Nga pala asan na yung acetate? Kanina pa hanap ni prince yon para sa windows ng shop"
"Ah oo nga pala, teka wait" tumakbo ako papunta sa gamit ko at kinuha lahat ng materials na nasa akin saka bumalik sa pwesto ko. "Eto oh."
"Wala ba kayong balak palitan ang pangalan ng shop natin? Parang ang baboy." ani ko. Nagtawanan ang lahat.
"Wag na! Kaganda nga eh, unique!" sagot ni lemi na agad namang sinegundahan ni rob.
"Baka kasi mapagalitan tayo. Mga gago talaga kayo eh."
"Ewan ko ba dyan sa mga yan mame. Kalalakas ng trip!"
"Bakit ga papagalitan eh wala naman masama sa pangalan. Diba guys? Ang masama kapag dinoble yung 'PEK'. Eh hindi naman eh, single siya." singit ni carl na ngangayon lang umimik buhat ng dumating ako. Napatingin ako sa kaniya na nasa likod ko lang pala. Nagtawanan ang lahat.
"Ge bahala kayo. Si prince naman leader natin eh, siya nalang ituro natin pag nagka-gipitan!" anang camia na ikinatawa ng lahat.
"Mga gago" sagot ni prince. Kung bakit ay sanay na sanay na kame ni camia sa mga pang-t-trashtalk ng mga yan ay hindi ko na rin alam.
"Hindi mo pala sinabi kay drew ang totoong pakay ng pakikipag-kita ko sa kaniya?" mataman kong tanong kay carl habang nag-aasaran parin ang iba.
"Hindi ko alam kung papano sasabihin" seryoso niyang sagot Tumango-tango ako.
"Tapos na carl.. Galit ka ba sakin?"
"Hindi. Diba sabi ko naman naiintindihan nga kita?" mataman niyang sagot saakin. Tumango-tango nalang ulit ako at hindi na umimik.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
No FicciónA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...