"Ingat kayo guys!" sigaw ni mariane bago siya sumakay sa jeep pauwi. Katatapos lang ng practice namen sa glee, medyo nag-over time kami ngayon kaya halos magdidilim na."Una narin ako sa inyo. Ingat kayo ha?" Paalam ko sa mga ka-members ko. "Wag na kayong magpagabi, umuwi na kayo kaagad." Ani ko saka kumaway sa kanila at naglakad na palayo.
"Bye ms. President!" sigaw nila kaya kumaway ako sa kanila bago tuluyang umalis.
Simula nang ipinasa nang dating trainor ng glee ang club sa ibang teacher para maging bagong trainor, nag quit nadin iyong dati naming president kasi hindi siya komportable sa ibang trainor. Gusto ko din sanang mag quit. Sobrang iba na kasi ngayong bago na ang trainor namen, iba na yung pakiramdam. Ang kaso hindi ko rin maiwan ang glee dahil buhay ko na ang club na to. At dahil ako ang pinaka-matagal ng member ng glee, ako na ang ni-nominate as president. Hindi ako nagreklamo syempre, pangarap ko to eh. Hehe. Medyo napressure lang nung una pero dahil mahal ko ang club at ang members, keri lang.
"Oh nak nandyan ka na pala. Magmeryenda ka na muna dyan may binili akong tinapay sa bayan kanina" ani ni mama nang makarating ako sa bahay. Tumango nalang ako saka nagdiretsyo sa kwarto para magbihis bago lumabas para magmeryenda.
"Nag-meryenda na kayo ma?" tanong ko nang makaupo ako sa lamesa at magsimulang kumain.
"Oo, iyo nalang yang natitirang pagkain dyan. Nakakain na rin ang mga kapatid mo." aniya saka tumayo mula sa panunuod ng tv at naglakad palapit saakin at naupo sa tabi ko.
"Oh" alok ko ng pagkain ko. Agad naman siyang umiling kaya nagtuloy nalang ako sa pagkain. Ganito talaga kame magusap ni mama wag ka, para lang kameng magtropa mula nang mamatay ang papa.
"Nak" tawag niya habang nakain ako.
"hmm?" nguya lang ako ng nguya.
"Paalis ako bukas, ikaw na muna bahalang mag-asikaso sa mga kapatid mo ha? Maagang maaga kasi ang alis ko, madaling araw palang wala na ako dito." kunot noo naman akong napatingin sa kaniya.
"Pasaan ka naman?"
"Sa maynila"
"Anong meron?" tanong ko habang nagpapatuloy sa pagkain. Sarap ng luto ni mama ngayon sa peanut butter ahh.
"Eh naisip ko kasi anak, itutuloy ko na yung matagal ko ng balak na mag-abroad" agad akong napatigil sa pagnguya.
"Ha?" kukurap-kurap kong tanong sa kaniya. Hindi ko yata narinig ng ayos.
"Sabi ko mag-aabroad na ako. Mag aasikaso na ako sa agency bukas kaya aalis ako. Babalik din naman ako, gabing gabi na nga lang siguro" aniya na parang nagpaalam lang siyang pupunta sa kapit bahay para dumayo ng chismis.
"Bakit ka maga-abroad?" takang tanong ko. Tuluyan ng nawalan ng ganang kumain.
"Eh ano namang mangyayare satin anak dito? Mag-isa nalang akong kakayod anak tapos apat pa kayong mga anak ko. Hindi tayo makakaahon kung nandito lang ako"
Nakatitig lang ako sa kaniya. Tinitingnan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Nakipaglabanan naman siya ng tingin saakin na animo'y alam na tinatantya ko siya. Huminga siya ng malalim.
"Anak, tayo nalang ang nandito. Wala na ang papa niyo na susuporta sa mga pangangailangan niyo. Kelangan ko ng suporta mo. Simula ngayon, ako ang kakayod para sa pamilya naten tapos ikaw naman ang bahalang mag-asikaso sa mga kapatid mo. Magagawa mo ba yon? Ikaw nalang ang inaasahan ko anak. Tayo na ang partners ngayon. Tulungan tayong dalawa." seryosong sabi niya habang nakatingin saakin. Ilang saglit lang akong nakatitig sa kaniya at nagiisip ng isasagot sa kaniya.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
No FicciónA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...