Chapter 65
It's been two weeks since we started living in Daryll's house and all I can say is, it was peaceful. Ang sarap talagang tumira sa isang bahay na nasa mataas na lugar. Nakakatuwa kasi maliwanag na sa buong Lumingon ngayon kapag gabi hindi katulad noon kaya naman may napapaglibangan akong tingnan sa gabi lalo na kapag nakatambay sa rooftop. Daryll's house is only a first story house pero may kataasan ang ceiling at may ilang hagdang hahakbangin patungo sa mga kwarto. Malalaki rin ang mga bintana pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko pa rin talaga ang tumambay sa rooftop lalo na kapag dapit-hapon.
May munting greenhouse kasi doon kung saan kami kumain noon ni Daryll nang unang punta ko dito. Pero nito lang ay pinalagyan ni Daryll ito ng hammock para tambayan ko kapag naiisipan kong magbasa ng libro dahil napansin niyang mas madalas ako dito sa taas. I can't help but to smile seeing how attentive he is. Totoong napaka-sweet nito at napaka-clingy. Bagay na hindi ko maisip-isip na nasa personality niya pala. Tuloy ay hindi ko maiwasang isipin na marami pa rin akong hindi alam tungkol sa kaniya. Minsan ay nagugulat nalang ako sa mga kinikilos niya.
Bumaba na ako ng rooftop nang may pamilyar na kotse akong nakitang tumigil sa tapat ng bahay. Maaga kasi akong gumigising upang magdilig ng mga halaman sa itaas. Kaagad akong nagbukas ng pinto.
"Ivan!" masigla kong bati sa lalaking dumating. Kaagad itong ngumiti sa akin.
"Hey, Teacher. Kamusta?" galak na galak naman akong nilawakan ang pagkakabukas ng pinto.
"I'm good, I'm good! Pasok ka!" natatawa itong naglakad papasok. Sakto namang lumabas ng kwarto si Daryll at naglakad pababa ng hagdan. Saglit itong napatigil sa paglalakad at kunot noong tumingin sa bisita.
"Yow, bro!" tango ni Van kay Daryll. Mas lalong kumunot ang noo nito.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bumibisita, syempre!" Ivan chuckled. Kaagad na naglakad papalapit sa akin si Daryll at hinalikan ako sa pisngi.
"Morning, babe." Malambing nitong saad at saka yumakap sa akin. Napapakamot akong yumakap dito pabalik at saka ito tinapik sa likod.
"Good morning." I awkwardly smile at Ivan who were just looking at us with a smile on his face. He was crossing his arms. Nag-peace sign pa ako dito dahil nahihiya.
It was awkward. That's how I felt the moment Van visited us on our home because Daryll keeps on glaring at him while his arms were firm on my waist. Pagdating na pagdating ng kaibigan namin ay kaagad niya akong kinuha at pinaupo sa gitna ng mga hita niya. Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos ay tinapik ang braso ni Daryll na nakayapos sa akin at saka sapilitang tumayo para lumipat sa kabilang upuan. Nakakunot ang noo nitong tumingin sa akin.
"Babe, come back here." He ordered. I raised my eyebrow at him.
"No." I firmly said. Nag-igting ang kanyang panga pero inilingan ko nalang siya pagkatapos ay humarap sa kaibigan. Ngumiti ako.
"Buti napabisita ka. Pasensya na, hindi na rin kita nakamusta nitong mga nakaraang araw." Van smiled.
"It's okay. Naging abala na rin naman ako nitong mga nakaraang araw. Nagpunta ako sa inyo pero wala kayo doon, sabi ni tita dito na daw kayo tumutuloy." I grinned.
"Oo, eh. Paano kasi itong si Daryll nagrequest na kung pwede daw bang dito na kami tumira sa bahay niya. Malapit lang naman kina mama kaya okay lang din. Anyway, anong pinagkakaabahalan mo this past few days?" kuryoso kong tanong.
"Ah. Inaayos ko na iyong mga papers ko kasi pre-enrollment na roon sa gusto kong college school. Mag-aaral na ako ulit, Jane." Ngiti niya sa akin. Kaagad na nagningning ang mga mata ko at napaawang ang bibig.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...