Mabilis kong niligpit ang gamit ko at nagmadaling bumaba ng hagdan dahil late na ko sa practice ko. Mahigpit ang trainor namen ngayon sa practice dahil may papalapit na event at kelangan nameng paghandaan yon, ang alam ko ay may bago kameng aaraling kanta ngayon.Pagdating ko sa Glee room ay nagmadali kong inilapag ang gamit ko dahil nagv-vocalization na sila.
"Oh besh bakit ka late?" tanong ni mariane sakin, kaibigan ko. You see, I have a lot of circle of friends. Medyo hindi ko lang sila napapansin masyado sa ngayon dahil sa bagong trip ko sa buhay pero nandiyan lang sila. Mananatiling kaibigan ko.
"Late nagpaawas yung last subject teacher ko eh"
"Ala siya ka, mag attendance ka na doon at baka maabsentan ka pa" kaya nagmadali naman akong nagpakita sa monitor namen.
Malaking tulong ang club na to sakin, bukod sa nag eenjoy ako at nahahasa ang singing talent ko ay ito na ang nagsisilbing Mapeh subject ko dahil exempted na kame doon. Trainor namen dito ang nag bibigay ng grades namen para don base sa performance namen dito. Malaking tulong to sa academics ko dahil madali man ang Mapeh subjects, iyong kaalamang ang under niya ay apat na subject--malaking hatak na sa grades ko. Ang tanging sakripisyo mo lang naman ay yung pagpapractice niyo kahit bakasyon na at yung paexcuse excuse mo sa klase kapag malapit na ang event, kaya may nasasagasaang ibang subjects pero awa ng diyos mula nung mapasali ako dito buhat nung grade 7 ako ay wala naman akong napabayaang subject.
Pagkatapos kong mag attendance ay ipinamigay na ni sir ang lyrics ng bagong worship song na aaralin namen pati na iyong pang intermission. Pinarinig muna samin ni sir yung kanta hanggang sa maging pamilyar kame bago siya nagsimulang mamigay ng kaniya-kaniyang tono sa bawat grupo. Nung grade 7 ako, member ako sa grupo ng alto.. Pero ewan ko ba, nag evolve yata yung boses ko at napalipat ako sa soprano.
Matapos ang practice ay binitbit ko na yung mga gamit ko at nagsimulang maglakad palabas ng gate.. 5:30 na pero trip ko yatang maglakad.. Magtitipid pamasahe na muna ako. Pero bago pa ko tuluyang makalabas ng gate ay natanaw ko ang grupo ng estudyanteng naglalakad medyo may kalayuan sakin.. Nauuna sila. Grupo iyon nina Leon at ng mga kaklase niya. Wala naman akong pakialam sa kanila kaya nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad pero dahil ang lalakas ng tawanan nila ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon. Napatitig ako kay Leon..
Iba parin talaga ang tama ko sayo ahh tsk tsk.
Inis akong naglakad pero maya maya lang ay nakita kong napalingon si Leon sa likod dahilan para makita niya ako. Ilang saglit siyang tumingin saakin bago siya humarap sa mga kasama niya at may ibinulong. Maya maya lang ay kita ko na siyang tumigil sa paglalakad at tumingin saakin. Dirediretsyo lang ako sa paglalakad.
"Hi" bati niya kaya natigil ako sa paglalakad at tumingon sa kaniya
"Oyy" bati ko sabay tango sa kaniya.
"Kamusta?"
"Ayos lang naman .."
"Mabuti naman kung ganon.. A-ahmm.. Nagmamadali ka ba sa pag-uwi?" taka naman akong tumingin sa kaniya
"Hindi naman. Bakit?"
"K-kwentuhan muna tayo?" alinlangang tanong niya. Napatitig naman ako sa kaniya. Ewan ko pero naramdaman kong parang may gusto siyang sabihin saakin. Huminga ako ng malalim ..
"Sige.. Saan ba?" tanong ko.
"Kahit dyan nalang sa park.."
"Sige tara" at naglakad na kame papunta ng park which is malapit lang naman sa school. Naupo lang kame sa isa sa mga bench dito at nagsimula na siyang magkwento ng magkwento tungkol sa mga ginagawa niya ngayon sa room nila. Kesyo nag general cleaning daw sila doon. Hindi naman siya officer pero trip lang daw niya talagang tumulong. Ako naman ay tango lang ng tango sa mga kinukwento niya. Maya maya pa ay mukang naubusan na siya ng sasabihin kaya natahimik ang paligid..
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...