Frost
Nandito kami nila Sky sa baba, ginagawa namin ang mga assignments. Tinuturan ni Lexi sina Pyro at Luna tungkol sa science subject namin. Napatingin ako sa wall clock, it's almost 10pm at wala pa si Allen.
"Uuwi ba ngayon si Allen?" napatingin ako kay Sky na nagkakape.
"I don't know."
"Baka natuwa 'yon sa mga pinsan niya, you know, bonding," sabi naman ni Luna habang nagsusulat.
"Baka bukas pa 'yon uuwi, wala ka naman lakad bukas, diba?" tanong ni Pyro.
"Wala naman."
Napalingon kami sa may pinto dahil tumunog ito, ilang saglit ay nakita namin si Allen. He looks tired.
"Kamusta lakad mo, Allen?" excited na tanong ni Luna.
"Ayos lang," sabay upo sa sofa at nakatingin sa amin.
Ibinalik ko ang tingin sa notebook ko at nagpatuloy sa pagsulat.
"Tapos ka na ba sa assignment mo s history, Allen?" tanong ni Pyro.
"May assignment pala?" tanong niya, sinulyapan ko siya at nakakunot ang noo niya.
"Hindi mo alam, Allen? Nakalimutan mo?" tanong ni Lexi.
"Hindi ba ginawa mo na noong biyernes?" tanong naman ni Sky.
Tahimik lang si Allen habang nakayuko, tila nag-iisip. Magsasalita sana ako ng naunahan ako ni Luna.
"Wag niyo ng tanungin si Allen, baka pagod lang 'yan sa byahe niya. Pwede naman niya e check mamaya yung assignments niya kung tapos na ba."
"Luna is right. Mukha kang pagod," komento ni Pyro habang nakatingin kay Allen.
"Pahinga muna ako," paalam ni Allen at pumunta na sa taas.
Ipinagpatuloy namin ang pagawa ng takdang aralin at nang inantok na kami ay natulog na kami.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Pagkababa ko naabutan ko si Lexi na naghahanda ng pagkain, tumulong na ako kay Lexi. Ilang saglit ay bumaba si Sky, binati niya kami at kinuha ang mug niya.
"Nga pala, Frost, kamusta ang pag-uusap niyo ni Peter?" tanong ni Sky habang nagtitimpla ng kape.
"Did it go well?" tanong naman ni Lexi.
Napabuntong-hininga habang hinihiwa ang mga sangkap.
"Sabi ni Peter wala naman daw ginagawa si Morgana na kakaiba."
"Tinanong mo ba siya sa tungkol sa gamot ni Morgana?" tanong ni Lexi.
Napakunot ang noo ko nang maalala ko ang sagot ni Peter sa tanong na 'yan.
"Wala raw sakit si Morgana kaya, bakit daw ito iinom ng gamot."
"Hindi ba nila napansin na umiinom si Morgana ng gamot? Nasa iisang bahay lang sila," sabi ni naman ni Sky.
"Baka vitamins lang 'yon," sabi ni Pyro habang nakaupo sa isa sa mga hakbang sa hagdan.
"Ano pa ang sinabi ni Peter?" tanong ni Lexi.
"Bakit ko raw pinagdududahan si Morgana, parang nainis ata 'yon ng pumunta ako doon sa dorm nila."
"May malaking problema si Peter sa companya nila, sinabi ni Rayu sa akin noong nag-uusap kami, stressed na yung tao," sabi ni Pyro at nagtimpla ng hot chocolate.
"Siguro nag-aalala talaga siya."
Nang maluto na ang pagkain ay hinanda na ni Sky at Pyro ang mesa. Pumunta na ako sa taas para gisingin si Luna at Allen. Nakasalubong ko si Luna, halatang inaantok pa. Kinatok ko ang pinto sa kwarto ni Allen pero walang sumagot.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...