Frost
"Nasusuka ako," napalingon ako sa nagsalita, si Austern.
"Edi sumuka ka," sabi naman ng kakambal niya.
Napabuntong-hininga ako, hindi ko alam kung ilang oras ang byahe patungo sa Isla Ekis. Habang palapit kami sa isla ay mas lalong lumalakas ang mga alon.
"Chew this, it can help," sabi ni Lexi at may inabot kay Austern.
Napatitig ako sa may harapan, darkness is up ahead even if nakabukas ang ilaw sa labas, tanging alon lang nakikita namin.
"Dragon 'yon, diba?" napalingon ako kay Luna.
"Huh? Wala akong nakita," sabi naman ni Pyro.
"Ayun, oh!" turo ni Luna sa isang direksyon.
Narinig ko silang napasinghap. Totoo nga, may dragon na lumilipad pero hindi ito nag-iisa. They just passed by, hindi ko alam kung saan patungo pero masama ang kutob ko.
"Malapit na tayo," napatingin kami kay Allecke na nakahawak sa steering wheel. "Maghanda na kayo. Nakikita ko na ang isla."
Gaya ng sabi niya, naghanda na kami. Inayos ko ang bow ko. Inayos din ni Luna ang crossbow niya. Bigla silang napatili dahil sa laks ng alon.
"Humawak kayo ng mabuti! May malaking alon na parating!" babala ni Allecke.
"Mamamatay na ba tayo?" bulong ni Austern.
"Tss," react ng kakambal niya.
Kahit ako ay nahilo dahil sa mga alon. Nahulog kami sa mga kinauupuan namin dahil sa biglang paghinto ng sinasakyan namin.
"Nandito na tayo?" tanong ni Luna.
"Remember, ang ating plano kay kukunin si Allen," paalala ni Allecke. "Hindi natin alam kung sinu-sino ang ating makakalaban. This island is filled with monters, walang magpadalos-dalos," dagdag niya.
May kinuha siya sa cabinet na nandito. Its a katana, at dalawa ang kinuha niya. He signaled us at bumaba na kami.
Pagkababa namin ay agad sumalubong ang mga halimaw. Sky unsheathed his sword and strike them down, tumulong din si Lexi using her daggers. May nakita kaming parating pa, thanks to the light from the yacht nakita namin ito.
Agad akong gumawa ng arrows mula sa yelo at pinakawalan. Tumba ang tatlo, Luna also fired her arrows and took down five. Biglang may naglabasan na naman, we keep on fighting them pero mukhang wala katapusan. Hindi kami makakapasok sa isla kung hindi sila mauubos!
"Gagawa ako ng daan. Tumakbo kayo kaagad," sabi ni Allecke. "Ako ng bahala sa kanila."
"Pero, Kuya—"
"Austern, this is a real situation. Apply what you learn during the training."
"Hindi ka namin dapat iwan dito!"
"Allen's presence is fading. Kailangan niyong umalis at hanapin siya. It's not like I'm gonna die here."
"Pero—"
"Hanapin niyo si Allen sa mansion. Its at the mountains. Now go!"
Kasabay ng pagsigaw ni Allecke ay lumipad palayo ang mga halimaw. Agad kaming tumakbo papasok sa gubat. Ayaw sana sumama ni Austerm pero sinampal siya ni Astro dahilan para matigilan siya at sumama.
Tumatakbo kami ngayon sa gubat, mabuti nalang at kasama namin si Luna at Pyro. They are using their magic so we can see in the dark.
"Bakit wala tayong nakakasalubong na halimaw?" tanong ni Austern.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasía"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...