Pyro
Pabalik na kami sa main land ngayon, medyo nasusuka ako dahil sa laki ng mga alon. Pero, mas malala yung kanina, nakakahilo rin. Ang mga alon ngayon ay medyo mahina pero malakas pa rin.
Ginagamot ni Lexi si Allen ngayon. Kasama namin yung babaeng nangangalang Meivis, sabi ni Allen time traveller daw ang babaeng 'yon. Membro rin siya sa organization na Black Hexagon, hidden member daw.
Ayokong tingnan si Allen, napuno ng sugat at pasa buong katawan niya. Sabi nga ni Meivis may nabaling mga buto si Allen pero naibalik niya ito sa normal dahil sa magic niya.
Ano ba ang kailangan nila kay Allen? Sino ba sila para saktan ng ganun si Allen?
Tss.
Kahit na naiinis ako kay Allen noon, bestfriend ko 'yan!
Naalala ko pa noong bumalik na si Frost sa academy ay may kasama siyang lalaki. Sabi nila nasa clinic daw si Frost dahil nahimatay ang kasama niya, pumunta kami doon ni Luna dahil curious siya.
Pagdating namin doon naabutan namin ang isang lalaki na nakahiga sa higaan doon. Medyo magulo ang makapal na buhok niya, kulay brown ang mata niya at mukhang taga probinsiya.
Nagwalk-out si Luna dahil sa sinabi ni Frost. Naiintindihan ko naman si Frost dahil baka hindi komportable yung lalaki. Si Luna naman panay sabi na sobrang gwapo ng lalaki. Sino daw 'yon? Anong pangalan? Saang galing? Ang daming tanong!
Hindi ko maiwasan na mainis kay Allen noong nakilala ko siya. Gusto ko si Luna simula ng maging kaklase at dorm mate, my feelings for her keep growing as I know her. Pero, nang dumating si Allen, Luna is trying her best to give Allen's needs by assisting him. Inobserbahan ko ang mga kilos ni Allen, mukhang nahihiya naman siya kay Luna dahil sa mga kilos nito at hindi siya komportable.
Mas pipiliin niya pa si Frost kaysa kay Luna. Diretso kong sinabi kay Allen na gusto ko si Luna noong masquerade party ay sinabi niya sa akin na umamin na raw ako, gaya ng sinabi nila Sky pero hindi ko nagawa. Umamin ako kay Luna noong Moon festival.
Bestfriend ko si Allen at alam kong wala siyang gusto kay Luna. Pero noong Moon festival, hindi ko maiwasan na mainis. Kinain ako ng pagseselos at ang panget sa pakiramdam. Umamin ako kay Luna at sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin.
Ang gulo pa naman nun dahil inatake ang Bayan ng Lun ng gabing iyon. Nang magising ako ay nakita ko si Luna na nag-aalala. Doon ko nalaman na ilang araw akong tulog dahil sa nangyari, I absorbed the black flames and in return tulog ako ng ilang araw. Sabi ng doctor ay maayos na ako at side effect 'yon ng itim na apoy. While I was asleep my magic is fighting with the dark flames that I absorbed, dahilan para tulog ako ng ilang araw.
Simula nang mangyari ang kaganapan na iyon ay medyo naging mas close kami ni Luna. Pero, may mga time pa rin na medyo nagseselos ako kay Allen dahil gusto ni Luna e spoiled siya. Pero, habang tumatagal ay nasasanay naman ako at alam kong may pagtingin si Allen kay Frost.
Sa mga titig pa lang niya kay Frost at nakaw nitong mga pagsulyap, sus. I've been there. Naging bestfriend ko si Allen, hindi ko alam kung kailan pero kusang nangyari. Nagkakasundo kami sa ilang mga bagay. Tinuturan din niya ako ng mga fighting skills niya. Minsan kapag physical education namin siya ang ka combat ko.
Marami akong natutunan mula kay Allen. Siguro dahil doon siya sa Bayan ng Heresh lumaki at hindi kasama ang tunay niyang magulang.
Masakit sa puso ang imahe ni Allen ngayon. Nagdududa ako this week na may mali kay Allen. Palagi siyang nakasleeveless sa dorm, minsan nahuhuli ko rin na wala siyang damit pang-itaas. Sa pagkakaalam ko, mahiyain si Allen, e. Muntik na siyang kumain ng shrimp dahil nakalimutan niyang allergic siya doon.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...