Allen
Ang kati ng katawan ko, iminulat ko ang dalawang mata ko. Nasaan ako? Kaninong kwarto 'to? Ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa braso ko, namumula, ang kati. Gusto kong kalmutin ang mga braso at binti ko, pati likod. Nasaan ba sila?
Tumayo ako, medyo nahihilo ako. Napahawak ako sa bedside table. Naglakad na ako patungo sa pinto, nasaan sila? Bakit parang walang tao? Anong nangyayari? Kaninong mansion ba 'to?
Naglakad ako patungo sa may hagdan, may mga narinig akong boses galing sa baba. Mas binilisan ko ang paglakad ko at bumaba na.
"Nasaan na raw sila?" rinig kong tanong ni Lexi.
"Kadarating lang daw nila sa Lungsod ng Cecilia, baka mamaya nandito na sila," sagot ni Frost.
Pumunta ako kung saan nanggaling ang mga boses nila, nakita kong kumakain sila ng almusal. Nandoon silang lahat sa isang dinning hall, may kasama pa silang isang babae na kulay pula ang buhok, may kamukha siya. Biglang nagtama ang mga paningin namin.
"KYAAAAAAAAAAHHHHHH!"
Napatalon ako dahil sa sigaw niya, napalingon silang lahat sa akin. Npatayo naman si Sky at linapitan ako. Pinapakalma ni Pyro ang babaeng sumigaw.
"Ayos ka lang ba, Allen? Namumula ka."
"Makati."
"Upo ka Allen, kumain na tayo ng almusal," sabi ni Pyro.
Umupo ako sa tabi ni Frost. Kumuha na rin ako ng pagkain. Kaharap ko ang babaeng sumigaw kanina, parang magkasing-edad lang sila ni Arthur.
"Pagpasensyahan mo na si Valeria," sabi ni Pyro.
"Valeria?" familiar, saan ko ba 'yon narinig?
"Yup, kapatid ko, yung ikinuwento ko sa'yo."
"Teka, ano pala ang nangyari? Diba naghahatid tayo ng parcel sa mga Flare?"
"Totoo pala sinabi nila, hindi mo talaga maaalala ang mga nangyari," sabi ni Sky at uminom ng kape.
"Anong nangyari? Teka, nasaan ba tayo?"
"Nasa mansion ka namin ngayon," sagot ni Pyro.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Malaki ang mansion nila, mas malaki pa ata ito kaysa sa mansion ni Lolo.
"Naalala mo ba ang soup na binali-balikan mo?" tanong ni Frost.
Napakurap ako sa tanong niya. Alin doon.. Ay! Yung soup na inorder namin. Bakit?
"Oo, bakit?"
"You're acting weird after an hour."
"Huh?"
"Parang may halong shrimp 'yon, Allen."
Para akong nabingi sa sinabi ni Lexi. Shrimp?! Napatingin ako kay Frost. Tinaasan niya ako ng kilay. Tiningnan ko sina Lexi at Sky. Hindi sila umimik.
Wala akong naalalang may shrimp na nandoon..
"May shrimp 'yon?"
"Hindi na namin natanong ang staff kasi papunta na tayo sa townhall nun, pero base sa kilos mo, nakakain ka," sabi ni Lexi.
"We contacted your friends," napatingin ako kay Frost dahil sa sinabi niya.
"Friends?"
"Mayer at Jon, baka mamaya nandito na sila," sagot niya.
"Ahhh," uminom ako ng tubig.
"Iinom ka ng gamot mamaya, pagkatapos mong kumain, humingi ka kay Lexi," sabi ni Frost.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...