Allen
Naglakad kami palabas ng bahay nila Frost, nakasuot ako ng makapal na longsleeves jacket, ginamit ko rin ang scraf ni Frost. Balot na balot din sina Pyro, kahit apoy ang magic ni Pyro nilalamig pa rin siya. Si Frost lang ang nakanormal attire sa aming anim.
"Sabi ni Papa papunta na raw dito sina Kuya para ihatid ang mga kabayo."
"Pyro, alam mo ba kung paano sumakay ng kabayo?" tanong ni Luna.
"Oo, anong akala mo sa akin? Bobo?"
"Nagtatanong lang!"
"Ayos ka lang ba, Allen?" napatingin ako kay Frost dahil sa tanong niya.
"Ayos naman. Bakit?"
"Ang tahimik mo mula kanina."
Hindi ako umimik. Natatakot ako, parang may nangyayari sa mga mata ko, pero hindi naman masakit. Pagkatapos kong maligo kanina ng papunta na ako sa kusina tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang kanang mata ko naman ang nagiging dilaw. Kumurap ako ng isang beses hindi pa rin bumabalik ang natural na eye color ko. Kukuhanan ko sana ng litrato gamit ang tablet kaso bumalik na sa kulay brown ang mata ko.
"Oh, nandiyan na ang mga kabayo," sabi ni Sky kaya napatingin ako sa parating.
May tatlong kabayo na huminto sa aming harapan, bumaba ang mga nagdala nito.
"Mag-ingat kayo papunta doon," sabi ng Kuya ni Frost, tinanguan niya lang 'to bago sumakay.
Sumakay na rin sina Sky at Pyro, nasa likod nila si Lexi at Luna. Tiningnan ako ni Frost.
"Ako na ang bahala, hindi pa magaling ang sugat sa braso mo, sumakay ka na," sabi ni Frost habang inabot ang kamay niya.
Inabot ko 'yon at sumakay na. Nagpaalam na kami at umalis na. Pinatakbo ni Frost ang kabayo, nakasunod naman sina Sky, huli sina Pyro. Papunta kami sa north part ng lungsod, meron namang mga buildings dito pero konti lang ang mga tao sa labas at walang mga sasakyan na makikita.
Unting-unti kumonti ang mga building at mga bahay hanggang sa napansin kong nasa labas na ata kami ng lungsod, pinapalibutan na kami ng mga puno.
"Tamang daan ba itong tinatahak natin?" tanong ko.
"Oo. Wag kang matakot diyan."
"Parte pa rin ito ng lungsod?"
"Hmmm, malawak ang nasasakupan ng lungsod. Parte pa rin ito."
"Malayo pa ba?" tanong ko.
"Medyo, tatawid pa tayo sa isang brigde."
"Okay."
Habang papunta kami doon napansin kong mas lumamig ata ang paligid, kung malamig na sa lungsod nina Frost, parang mas lumala ata dito.
"Malapit na tayo sa brigde. Wag kang malikot."
"Hindi naman ako malikot, ah."
"Baka matakot ka kasi, baka matakot din ang kabayo."
Pagkalabas namin sa gubat, may bridge na bumungad sa amin. Nakacemento ito pero, parang ang lalim ata ng mahuhulugan mo. Huminto kami pati sina Sky.
"Tatawid tayo?" tanong ni Pyro.
"Oo."
"Sinong mauuna?" tanong ni Sky.
"Kami nalang ni Luna," sabi ni Pyro.
"Sige."
Umuna sina Pyro, sunod kami tapos sina Sky, pinatakbo ulit ni Frost ang kabayo, napapalibutan ulit kami ng mga matataas na puno, hindi ko na nga makikita ang langit dahil sa makakapal nitong dahon. Dumidilim na rin sa daan na aming tinatahak.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...