Allen
Minulat ko ang mga mata ko. Inaantok pa ako, gusto ko pang matulog. Masakit katawan ko. Magkakalagnat ata ako. Niyakap ko ang unan ko dahil nilalamig ako. May narinig akong katok at bumukas ang pinto. Nakita kong gumuho ang ulo ni Frost mula sa pintuan.
"Breakfast."
"Pwede bang mag-skip ng breakfast?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Alam mo naman siguro kung anong araw ngayon? Kailangan mong kumain. Bumangon ka na diyan."
"Fine."
Bumangon na ako at lumabas. Umuna na rin si Frost sakin pababa. Kinukusot-kusot ko pa mata ko habang pababa. Pagdating namin sa baba ay nakita naming hinahanda na ni Lexi ang mesa. Nagkakape si Sky sa bar counter. Nagbabanggayan naman si Luna at Pyro. Napalingon si Luna sa amin ni Frost na kakababa lang.
"Good morning, Allen!" bati niya. Sumimangot naman si Pyro. Tumango lang ako sakanya.
"Kain na tayo, guys!"
Nagsiupuan na kami para kumain. Nag-uusap sila pero wala akong maintindihan. Nahihilo ako.
"Allen, okay ka lang?" tanong ni Frost.
"Huh?"
"Namumutla ka. Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya ulit.
Hinawakan kaagad ni Lexi ang noo ko.
"Nilalagnat si Allen. Kukuha muna ako ng gamot," at tumayo si Lexi sa kinauupuan niya at may kinuha sa cabinet doon sa kusina.
"Kumain ka diyan," sabi ni Frost.
Konti lang ang kinain ko. Wala akong gana.
"Inumin mo 'to. Pagkatapos, magpahinga ka sa kwarto mo. Pagkatapos kong linisin ang pinagkainan, titingnan ko ang kalagayan mo."
Tumango ako at ininom muna ang gamot bago pumunta sa kwarto. Inilalayan ako ni Frost. Pagdating ko sa kwarto ay humiga na ako.
"Pupunta pa ba tayo sa party?" tanong niya.
"Syempre pupunta."
"Paano kung 'di bumaba ang lagnat mo?"
"Bababa 'to mamaya. Don't worry."
"Fine.. Matulog ka na diyan."
Pumikit na ako..
———
"Tama na po!" sabi nung bata na umiiyak dahil hinahampas at pinagsusuntok ng tatlong lalaki na nakaitim at may takip sa mukha nila.
"Saksakin niyo na 'yan," sabi nung isa na maliit ang katawan.
"Wag po! Pakiusap ibalik niyo ako sa mga magulang ko!"
"Walang babalik doon bata! Dahil ngayong gabi at mamatay ka!"
Hahampasin na sana niya ang bata kaso nakatakbo pa ito kahit paika-ika. Hinabol nila ang bata papasok sa madilim na gubat.
"Peste! Sinaksak mo na sana kasi!" sigaw nung may malaki na katawan.
"Kapag 'yon nabuhay! Siguradong wala na tayong masisilayan na araw!" sabi nung sakto lang ang katawan.
Hinahabol nila ang bata hanggang sa nakita nila ang bata na nadapa, malapit sa tulay at may ngiti na pumorma sa kanilang labi. Umiiyak na ang bata dahil sa takot.
"Pakiusap wag niyo akong patayin!" pagmamakaawa ng bata.
Nakikita ang repleksyon ng buwan sa tubig, walang ibang tao kung hindi ay sila lang apat. Walang ingay at ang hagulgol ng bata ang umalingawngaw sa paligid.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...