Allen
Sabado ngayon at nasa mansion kami. Kompleto kaming lahat, kumakain kami ng tanghalian. Naaalala ko na kung ano ang mga ginagawa ko noon kasama ang pamilya ko noong bata pa ako. Pero, wala talaga akong naaalala na kasama kami ni Lola. Sumasakit ang kanang parte ng ulo ko kapag sinusubukan ko alalahanin.
"Allen, merong camping ngayon na week sa academy. Sasama ka ba?" tanong ni Lolo.
"Opo, sasama ako."
"Saan iheheld ang camping, Papa?" tanong ni Dad kay Lolo.
"Sa bayan ng Lun."
"Saan 'yon?" tanong ni Austern.
"Seriously, Papa? Tatawid kayo sa dagat para lang sa isang camping trip?" sarkastikong tanong ni Aunty Alicia.
"Well, sa isang isla naman talaga iheheld ang camping. Pumayag naman ang parents ng mga bata."
"Which island? Maraming isla sa Bayan ng Lun, Lolo," tanong ni Ate Annisa.
"Prism Island. Doon naman ineheld ang camping last year. Siguradong walang problema."
"Parang gusto kong sumama. What do you think, Astro?" tanobg ni Austern sa kambal.
"Wag kang, tanga. Alam mo namang hindi tayo estudyante ng academy. Natural hindi tayo kasama," sagot ni Astro. Masungit talaga si Astro kahit anong mangyari.
"Pwede naman kayong magbakasyon doon sa Bayan ng Lun kung iyan ang nagugustuhan niyo, Austern," sabi ni Aunty Felicia.
"Its not a good time para magvacation. Baka nakalimutan mo, you're still a student, Austern. Home schooled," sabi naman ni Ate Felice, panganay na kapatid nina Austern.
"Eh, magpapaenroll ako sa academy."
"Alam mo naman ang rason kung bakit tayo pinag-hohome school, college will be fine hindi na tayo itatago," sabi naman ni Astro sa kakambal.
"Kwentuhan mo ako, Allen sa pagbalik mo galing sa camping niyo, ah!"
"Oo naman."
Simula noong nawala ako, lahat ng apo ni Lolo ay pinag-hohome school. Walang pumapasok sa academy dahil natatakot si Lolo na baka isang araw ay mawawalan naman siya ng apo. Pinataas niya ang security sa academy, sa mansion at sa mga bahay ng nga anak niya.
Madalas namang nandito ang mga apo ni Lolo sa mansion dahil dito naman pumupunta ang mga guro na magtuturo sakanila. Sina Ate Alisa at Ate Annisa ay nasa kolehiyo na, pati si Ate Ashia. Nasa isang kolehiyo sila na nasa lungsod ng Cecilia.
Ang mga apo naman ni Lolo na nakapagtapos ay tumutulong sa negosyo ni Lolo at sa kanilang mga family business.
"Nga pala, Allen, sino ang kumopkop sa'yo?" tanong ni Uncle Ariello.
"Si Tiya Pella po," sagot ko at uminom ng tubig.
"Pella?" napatingin ako kay Mom, parang gulat siya kung sino si Pella.
"Pella Prigobado."
"S-sigurado ka?"
"Bakit? May problema ba, Mom?" nakita ko kung paano siya parang maiyak.
"Pagkatapos ng camping mo, pupuntahan natin siya, okay?"
"Sige po," nakangiti kong sabi.
Pagkatapos naming magtanghalian. May mga lakad ang mga anak ni Lolo, nag-girl bonding naman ang mga pinsan naming babae. Nasa pool area naman kami nina Austern, Astro at Arthur. Naliligo kaming tatlo nina Austern. Si Astro lang ang hindi naligo, kumakain lang siya sa snacks na inihatid ng katulong.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantastik"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...