Frost
Papunta na ako sa office ni Papa, kasama ko si Kuya Felix. Hinatid ko sina Allen sa living room namin at sinabihan ko sina Ate Helen na maghanda ng pagkain dahil alam kong gutom na gutom sina Luna.
"Frost, bakit hindi mo sinabi na uuwi ka dito ngayon?" tanong ni Kuya Felix. Siya ang pinakamatanda sa aming apat na magkakapatid.
"Hindi na ako nakapagpaalam sa iyo dahil sa mga message ni Lauren."
"Hmmm."
"Ano ba kasi ang problema?"
"Si Papa na lang ang magkwekwento—"
"Kuya, you're avoiding the topic."
"Si Papa na lang kasi ang magkwento."
"Tungkol ba 'to sa negosyo natin? Sabi ni Lauren may nangyaring gulo labas sa lungsod."
Nakita kong natigilan siya. Mikhang hindi niya alam na may alam si Lauren.
"Sinabi ba ni Lauren ang dahilan ng gulo?"
"Hindi. Sinabi niya lang na may gulo. Wala siyang sinabing dahilan."
"Si Papa nalang kasi—"
"May tinatago ka sakin."
Napasapo nalang si Kuya sa noo niya. Tumuloy na ako sa paglakad papunta sa office. Kumatok ako ng ilang beses, binuksan ko ang pinto. Nakita kong nakaupo si Papa sa upuan niya. Napatayo siya ng makita ako.
"Frost, hija! Kailan ka dumating?"
Lumapit ako kay Papa para yakapin siya. Nasaan kaya si Mama?
"Kanina lang. Papa, nasaan si Mama?"
"Nasa kwarto nagpapahinga," unupo na ulit siya sa swivel chair niya.
Nakahiwalay ang office ni Papa sa bahay. Ayaw niya kasing masira ang traditional house ni Lolo.
"Papa, totoo ba ang sinasabi nila na nagkakagulo dito?" Tininghnan niya ako.
"Si Lauren ba ang nagsabi sa'yo kaya umuwi ka?"
"Yes, alam mo naman na hindi magkwekwento si Kuya sa akin tungkol sa mga gulo dito sa lungsod o sa bahay. Mas lalong-lalo na si Snow."
"May ginawa kasing kalokohan ang Ate mo."
"Anong kalokohan?"
"Hindi ko pa nasisigurado pero parang may sinalihan ang kapatid mo na organization."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Papa. Organization?
"You can hire investigators na magsusunod kay Snow or sina Liam ang uutusan mo."
"Kinausap ko na si Felix tungkol diyan. Nag-away kami kaninang umaga dahil tinanong ko siya kung anong pinagkakaabalahan niya. Nagalit, inaway pa nga Mama mo."
"Kakausapin ko siya."
"Sana makinig 'yon sa'yo. Alam mo naman ang takbo sa isip nun."
"Saan ba siya pumupunta kapag lumalabas siya ng bahay?"
"Problema 'yan, alam mo naman na mukhang ninja kung kumilos ang kapatid mong iyon."
Biglang may tumawag sa telepono niya. Sinagot niya iyon.
"Hello, may problema ba Liam?.... Ganun ba? Sundan mo lang si Snow. Salamat."
Ibinalik na niya ang telepono at tiningnan ako.
"Lumabas ng lungsod ang Ate mo. Sinusundan siya ni Liam."
"Papa, yung sinabi ni Lauren na nagkagulo sa labas ng lungsod? Anong ibig sabihin nun?"
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...