Allen
Habang tumatakbo kaming apat nila Frost papunta sa pier ay may napansin akong babae na nakatayo sa harapan ng fountain sa gitna ng bayan. Nakatali ang kanyang buhok at maputi ang kanyang complexion.
Merong mga tao na nakatingin sa kanya, takot ang mababasa sakanilang mga mukha. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay, lumutang ang tubig na mula sa fountain, nag-iba ang kulay nito at umitim ang tubig.
"Shit.." rinig kong bulong ni Frost.
Tumingin ang babae sa gawi namin at ngumiti.
"Magandang gabi, estudyante ng Denver Academy."
"Anong kailangan mo?" tanong ni Frost.
"I'm here to have fun, bakit? Hindi ba ako pwede sumali sa celebrasyon sa moon festival? Hmm?"
"Sky, Lexi, paalisin niyo na ang mga tao dito," utos ni Frost, tumango sina Sky at kumilos na.
Ilang saglit pa ay wala ng tao dito sa aming paligid. Kami nalang nila Frost ang tao at ang isang 'to. Taga Merean clan kaya siya? Itim na tubig ang kanyang kinokontrol.
"Aalis muna ako, ah. Magsasaya-"
"Hindi ka aalis para magsaya. Aalis ka dito sa bayan ng Lun!" tumawa naman ang babae at tiningnan kami sabay lagay ng dalawang kamay sa kanyang bewang.
"Paano naman ang dalawa kong kasama? Hayaan ko nalang sila na magsaya?"
"May kasama pa siya?" tanong ni Lexi, batid na may takot sa boses.
"Yes, may kasama pa ako. Well, mukhang na sobra ata ang kanilang pagdating dahil sa pagsabog," at tumawa ulit.
"Sino ba kayo para gumawa ng gulo dito sa Lun, huh?" tanong ko. Tiningnan ako ng babae at ngumisi.
"May kailangan lang kaming bisitahin, Thunder."
Bakit niya ako kilala? Dahil ba sa kwintas ko?
"Umalis na kayo dito, baka magdilim ang paningin ko."
"Nakakatakot ka naman," sabi ng babae kay Frost.
Walang pasabi-sabi inatake ito ni Frost, nagpakawala siya ng matitinik na ice shards papunta sa kinatatayuan ng babae. Mabilis na tumalon ang babae para umiwas sa mga ice shards. Kinontrol naman niya ang tubig at ginawang matutulis, ibinato niya ito sa samin.
Dahil sa gulat napadapa ako sa lupa habang si Frost naman at gumawa ng makapal na harang. May narinig kaming sumigaw. Natamaan si Sky sa braso.
"Lexi, umalis kayo dito ni Sky."
"Pero, Frost-"
"Bilisan mo! Kaya namin 'to ni Allen!"
Tinulungan ni Lexi si Sky na tumayo at umalis. Tumawa naman ang babae.
"Mukhang nasaktan ko kasama niyo. Ang damot niyo kasi," nagpakawala naman siya ng mga matutulis na tubig papunta sa direksyon namin.
Gumawa naman ng harang si Frost para sa aming dalawa pero ilang saglit ay nasira ito.
"Tss."
Magsasalita sana ang babae ng merong mga paru-paru na kulay dilaw ang lumipad papunta sa babaeng umatake sa amin, biglang itong sumabog at gumawa ng makapal na usok. Napasigaw naman ang babae. Nangmawala ang usok nakita namin kung kanino galing ang mga paru-paru.
"Shekiah..."
"Good evening Frost," nakangiting sabi ni Shekiah habang nakasuot ng kulay purple na kimono. Kasama niya ang groupo niya at handa ng umatake sa babae.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...