Part 29 Book

6 1 0
                                    

Frost

Nandito na kami sa Lungsod ng Crystalline. Nakakapagod maglakbay, hapon na ng makarating kami dito. Naglalakad kami ngayon papunta sa mansion ng mga Yuwanne. Tahimik pa rin si Crissandra ngayon. Nagaalala naman ang mga kapatid niya sakanya.

Si Ian at Toffer ang nasa unahan kasama si Allen at Pyro, hindi kasi namin alam kung nasaan ang mansion nila. Ilang saglit pa ay huminto na kami sa harapan ng isang malaking gate. May nakatatak na Y sa bandang itaas ng gate.

Binato ni Toffer at Ian ng magic ang itaas ng gate, ilang saglit pa at bumukas ito. Mukhang malayo pa ang mansion nila, sumunod kami sakanila.

Habang naglalakad kami sa pathway, napansin kong malalaki ang puno dito sa kanilang lugar, nakita namin ang isang mansion sa dulo ng pathway. Pagdating namin sa mansion, nakabukas ang mga pinto nito at sinalubong kami ng mga katulong.

"Good afternoon Mister—"

"Wag na kayo bumati, maghanda kayo ng pagkain," sabi ni Toffer, agad kumilos ang mga katulong.

"Mga anak!" napatingin kami sa itaas ng hagdan, nandoon si Mr. And Mrs. Yuwanne, bumaba sila kaagad at niyakap ang mga anak.

"Kamusta? Ayos lang ba kayo?" tanong ni Mrs. Yuwanne.

"Yup! Naenjoy ko ang journey namin. Medyo nakakapagod pero ayos lang," makangiting sabi ni Lia.

"Pagod kami Mom! Gusto naming matulog," sagot naman ni Toffer.

"Gusto ko kumain ng masarap ngayon!" sagot naman ni Ian.

"Mrs. Yuwan—"

Bago pa ako makatapos sa pagsalita biglang sumigaw si Crissandra. Napatingin kaming lahat sakanya.

"Ayos ka la—"

"Its your fault! Kasalanan mo! Kasalanan niyo inatake kami dahil gusto niyo na hindi kami sasakay ng pampublikong sasakyan! Kasala—"

Agad siyang niyakap ni Lexi at hinawakan ang ulo nito, unti-unting nawawalan ng malay si Crissandra. Kinarga siya kaagad ni Sky.

"Dalhin niyo siya sa kwarto niya, sundan niyo ako," sabi ni Mrs. Yuwanne.

Sumunod kami, kailangan kong makausap si Mrs. Yuwanne tungkol sa nangyari. Pumasok kami sa kwarto ni Crissandra at inilapag siya ni Sky sa kama niya.

"May nangyari ba?" tanong ni Mr. Yuwanne.

"May nakasalubong kaming groupo na may galit sa inyo, nahuli na sila pero mukhang natrauma ata si Crissandra sa pangyayari. Mukhang sila rin ang nagpadala ng death threast sa inyo."

"Ganun ba. Hays.. Sana maging maayos ang lahat, tatawagin ko muna ang doctor," sabay labas ni Mr. Yuwanne sa kwarto.

"Mom, bakit wala kayong sinabi sa amin tungkol sa threats na natatanggap niyo?" kalmang tanong ni Toffer.

"Ayaw ko kayong madamay."

"Malaman namin o hindi, damay pa rin kami sana sinabi niyo nalang sa amin, maliligo muna ako," sabay labas ni Toffer sa kwarto.

"Labas muna kami Mom," sabi ni Lia at hinila palabas si Ian.

"Pasensya na," paghingi ng tawad ni Mrs. Yuwanne.

"Ayos lang po, parte po 'yon ng mission."

"Dito na kayo magpahinga. Ibibigay ko sainyo ang rewards bukas at payment."

"Sige po."

"Ihatid ko muna kayo sa mga kwarto niyo."

"Ah, Mrs. Yuwanne, ayos lang po kung dalawang kwarto lang ang gagamitin namin."

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon