Allen
Iminulat ko ang mga mata ko. Medyo madilim ang paligid. Bumangon ako, nakita kong natutulog si Sky sa isang kama habang nasa kabila naman si Pyro na inaasikaso pa rin ng medic.
"Gising ka na pala," tiningnan ko ang nakaupo sa gilid ko, si Frost pala.
"Saan sina Luna at Lexi?" tanong ko.
"Umuwi si Luna sa kanilang mansion, doon muna siya magpapahinga. Bukas ng tanghali tayo aalis para umuwi sa Lungsod ng Cecilia. Si Lexi ay nandoon sa isang tent, tinutulungan ang ibang medic sa paggamot sa mga nasasaktan."
"Maayos na si Sky?"
"Si Sky ay mukhang magiging maayos. Yung tubig na maitim na tumama sa braso niya ay merong halong malakas na poison, mabuti nalang at natanggal ito kaagad."
"Si Pyro?"
"Hindi pa. Nahihirapan ang medic na kunin ang itim na marka na nasa kamay braso ni Pyro. Side effect daw iyon sa pagpatay ng itim na apoy. Ginagawa lahat ng medic ang kanilang makakaya. Unting-unti naman itong nawawala."
"Sino pala ang nagpatay ng itim na apoy mula sa kabilang barko."
"Si Peter 'yon. Nasa kabilang tent siya at inaasikaso pa rin."
"May balita na sa mga nanggulo kanina?"
"Wala. Walang nakakakilala sa kanila."
"Natulog ka ba?"
"Hindi pa, kakatapos lang namin mag-usap ni Sir Yakada at ng ibang teachers kasama ang Lolo mo."
"Nasaan pala si Lolo?"
"Kinakamusta niya ang ibang estudyante sa ibang tent at ang mga tao na nadamay."
"Sina Shekiah at Bright pala?"
"Kausap nila ang ibang teachers ngayon."
"Matulog ka na kaya?"
"Nahh, hindi pa naman ako inaantok."
"Pero kailangan mo rin magpahinga, dito ka na lang matulog. Maayos naman ako."
"Wag na. Sa kabilang tent lang ako magpapahinga. Hindi pa naman ako inaantok."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Matulog ka nalang ulit at pupunta na ako sa kabilang tent."
———
Nasa barko na kami ngayon, nakahiga ako sa kama ko dito sa kwarto namin. Natutulog ng mahimbing si Lexi at Frost. Si Luna ay nasa labas at umiinom ng shake doon sa resto. Si Sky ay natutulog din sa kama nila.
Hindi pa rin daw nagigising si Pyro at Peter. Nandoon sila sa kwarto ng mga teachers upang mabantayan. Nawala na rin ang itim na marka sa mga braso nila. Bumabyahe na ang barko pabalik sa Lungsod ng Cecilia.
Pagdating namin sa Lungsod ng Cecilia ay sumakay na kami sa bus na sinakyan namin ng ihatid kami dito sa pier. Bumyahe na kami papunta sa academy. Pagdating namin doon, inannunsyo nila Sir Yakada na wala kaming klase ng tatlong araw para makapagpahinga kami.
Naglakad na kami nila Frost habang dala ang mga bag namin. Tahimik lang kami. Hindi pa rin nagigising si Pyro. Naglogin muna kami sa podium. Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa bahay.
Inilagay namin ang mga bag namin sa sala. Umupo muna ako sa sofa at nagpahinga. Dumeresto na si Luna sa kwarto niya.
"Matutulog muna ako," paalam ni Frost at umakyat na sa taas.
"Magluluto ako ng dinner mamaya," sabi naman ni Lexi.
"Wag na, ako ng bahala sa dinner natin," napataas naman ng kilay si Lexi sa sinabi ni Sky.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...