Part 58 Death

9 2 0
                                    

Allen

Hindi ako natatakot mamatay, natatakot ako sa possibleng mangyari kung mamamatay ako ngayong gabi. Hindi ko man lang masilayan sila Mama, kung ito ang huling gabi ko, sana kahit, makita ko lang sila o kahit si Frost o sila Sky.

Makita ko lang sila na maayos at hindi nasaktan ayos lang sa akin.

Humakbang palayo si Luke, napatingin ako kay Kou. Ibang-iba siya, naaapektuhan talaga ang natural na pagtakbo ng magic dahil sa pagkuha nila Morgana sa magic ko. Nakatitig lang si Kou sa akin.

Napapagod na rin ako. Masakit ang katawan ko, hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas.

"Ano 'yan, Allen? Iiyak ka na lang ba?" tanong ni Luke. "Walang tutulong sa'yo! Dahil pinipigilan ng mga kaibigan mo ang membro sa organization!"

Ginawa ko lahat para makatayo pero mabilis akong sinugod ni Kou. Kinagat niya ang kaliwang paa ko at itinapon palayo. Napapikit ako at napahiyaw sa sakit ng naramdaman ko dahil tumama ang likod ko sa pader.

Nabali na ata mga buto ko.

Nanlaki mata ko dahil biglang sumabog sa may kanang bahagi ko. Napatingin ako kay Kou, may nabubuong malaki pwersa ng magic doon. Sinubukan kong tumayo pero napaupo lang ako. Sobrang namamanhid ang paa ko.

Katapusan ko na nga siguro.

"Dragon, wag mo naman takutin si Allen. Baka biglang mamatay 'yan dahil biglang inatake sa puso," sabi ni Luke at hinawakan ang leeg ni Kou.

Kou just growled and fire his magic towards the sky, tumawa lang si Luke.

"Sige, takutin mo, Allen."

Biglang humarap si Kou sa akin at umungol ng malakas. Napapikit ako at napatakip sa tenga ko. Parang mababasag ang ear drums ko.

"Allen.. Allen.. Allen..."

Tiningnan ko si Luke na nakatayo sa gilid kay Kou.

"Hays, naaawa ako sa'yo ng konti pero gusto pa rin kita patayin," sabay lakad patungo sa akin, huminto siya sa harapan ko at hinila ako patayo.

Napaubo ako dahil nasasakal ako sa ginagawa niya.

"Tuwang-tuwa ka?" tanong ko sakanya, nahihirapan akong magsalita, may sugat ata ako sa labi ko.

Ngumiti si Luke at tumawa, binitawan niya ako at napahawak siya sa tiyan niya habang tumatawa. Sinukyapan niya ako at napailing.

"Of course! Sinong hindi matutuwa? If you'll die already here and right now. Wala ng epal sa mga plano ko!"

"Nabubulag ka sa ginagawa mo Luke. Sabi ni Meivis hindi 'yan ang rason kung bakit may nabuo kang organisasyon-"

"Oh? Kinausap ka ni Meivis?" at natawa siya. "Hindi kasali si Meivis sa usapan na 'to kaya wag mo siyang isali!"

"Dahil hindi kayo tinulungan noon, may karapatan ka ng manakit ng tao? Hindi 'yan ganun, Luke. Wala kang karapatan-"

Napapikit ako dahil muntik niya akong suntik habang binabalot ng itim na likido ang kamao niya. Tumama ito sa kaliwang bahagi ng pader na malapit sa mukha ko. Sinulyapan ko 'yon, natutunaw ang cemento na nababasa ng itim na likido.

"Wala akong karapatan na manakit ng tao? Bakit? Nasaktan din kami dahil hindi nila kami tinulungan noon, ah," sabi niya at ang talim ng kanyang paningin.

"Wala rin silang karapatan na saktan kami! Bullshit! Yung kapatid kong babae muntik na 'yon mamatay dahil pinagtulungan ng mga bata na saktan dahil sa magic niya!" bulyaw ni Luke sa akin.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon