Part 24 Mission

10 3 0
                                    

Allen

Its been a week since pumunta ako sa mansion. Pagbalik ko sa dorm, sinabi ko kina Frost ang nalaman ko at ang posibilidad na motibo ng mga kalaban. Kahapon inannusyo na pwede na kami magsimula na kumuha ng missions.

Hinihintay namin si Luna ngayon. Ang tagal niyang magbihis. Nagkakape si Sky, habang pinapagalitan naman siya ni Lexi dahil pangatlong kape na niya iyon sa araw na 'to. Si Pyro naman ay tinatali ang sintas ng sapatos niya. Nagbabasa ng libro si Frost.

"Ang tagal naman ni Luna, baka wala na tayong makuhang mission para sa araw na 'to," reklamo ni Pyro.

Magsasalita na sana si Frost nang bumaba na si Luna. Nakasuot siya ng brown shorts at white top, naka pink hat din siya at ang taas ng boots niya.

"Ayos lang ba ang suot ko? Nahihirapan kasi akong pumili."

"My God, Luna! Siguradong wala na tayong makukuhang mission dahil nakapatagal mo!"

"Shut up! Kasalanan ko bang marami akong magagandang damit, huh?!"

Ayan na naman silang dalawa ni Pyro, nagbabanggayan. Tumayo si Frost sa pagkakaupo at nagsalita.

"Enough. Tara na sa assembly hall," sabay labas ni Frost sa bahay.

Sumunod na rin kaagad kami, habang naglalakad kami nagbabanggayan pa rin ang dalawa. Habang nag-uusap naman si Sky at Lexi sa likuran.

"Saan pala ang assembly hall?" tanong ko kay Frost.

"Malapit iyon sa library. Sa second floor."

Pagdating namin sa building namin, sumakay na kami sa elevator at bumaba na sa second floor. Pagdating namin sa assembly hall, mukhang tatlong classrooms ata ito sa laki. May apat na malalaking bulletin board, isang board para sa rank ng missions. Ang daming papel na nakalagay doon. May tatlong long table at isang long table na nasa dulo ng room, nandito sina Sir Yakada at Ma'am Arlinda.

"Oh, kayo ang huling groupo na dumating," bungad ni Sir Yakada.

"Sorry, Sir," sabi kaagad ni Frost.

"Pumili na kayo ng missions ninyo."

"Anong kukunin nating mission?" tanong ni Lexi.

"C rank ang kukunin natin ngayon," sagot ni Frost.

"How about this one?" turo ni Sky sa isang papel na nasa C rank na bulletin board.

"Assisting a grandma, mukhang ayos 'to, Frost," komento naman ni Pyro.

"Sige, 'yan nalang ang kukunin natin."

Kinuha ni Sky ang papel at ipinakita kina Sir Yakada. May pinermahan si Frost.

"Oh, goodluck sa mission niyo," bilin ni Ma'am Arlinda.

"Magbabantay lang naman kami ng matanda," sabi ni Pyro.

"Kaya na nila 'yan," sabi pa ni Sir Yakada. Tumawa lang si Ma'am Arlinda.

Lumabas na kami ng room at naglakad na palabas ng school. Napaisip ako sa sinabi ni Ma'am Arlinda. Bakit kaya?

"Anong meron sa matandang 'to at kinakabahan ako," sabi ni Pyro.

"Ihanda nalang natin ang ating mga sarili dahil, walang mag-rerequest kung walang problema," sabi ni Frost na dahilan na tumigil kami sa paglakad.

"Oh?" tanong niya habang nakatingin sa amin.

"Hindi kaya, may problema sa pag-iisip ang matanda?" tanong ni Pyro.

"Mamaya na natin 'yan malalaman. Kailangan natin pumunta sa bahay nila para malaman ang mga detalye."

"Hindi tayo magmomotor?" tanong ni Luna.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon