Part 40 Fly

10 0 0
                                    

Allen

Nakasakay na kami ng train ngayon papunta sa Lungsod ng Floria. Kumuha kami ng bagong mission, dadaan kami sa bahay nila Lexi after sa mission. Kung tama ang pagkaalala ko may huhulihin kaming wanted na groupo. Ewan ko ba anong pumasok sa utak nila at iyon napili nila, sabi nila Pyro at Luna gusto nilang subukan. Wala na rin kasing ibang offer na papunta sa lugar nila Lexi.

"Sigurado ba kayo sa mission na 'to?" nag-aalalang tanong ni Lexi. "Ayos lang naman kung iba ang kinuha natin."

"Para may challenge naman," sabi ni Pyro.

"Natatakot ako, pero gusto kong subukan ang kakayahan ko," sabi naman ni Luna.

"Nandito naman kami, wag kang mag-alala," sabi ni Frost sabay tapik sa balikat niya.

"Paano kung may mangyaring masama?"

"Wag kang mag-alala, Luna. Everything will be fine," sabi ni Sky.

"Ano pala ang details ng mission?" tanong ko kay Frost.

"Sabi nila groupo raw ng mga magnanakaw, nahihirapan silang hulihin ang mga 'to kaya humihingi sila ng tulong."

"Ganun ba talaga ka hirap at humihingi sila ng tulong?" tanong ni Luna.

"Anong madalas nilang nakawin?" tanong ni Sky.

"Madalas jewelry daw o kung anong mamahalin."

"Magaling talaga siguro sila dahil nahihirapan ang mga opisyal na hulihin sila kahit malaki pa ang Floria," sabi ni Lexi.

Huminto na ang train, bumaba na kami at dumeretso sa police station. Agad kaming sinalubong ng team na may hawak ng investigation.

"I'm Raoul, ako ang leader ng tem na may hawak ng case. Salamat sa pagpunta niyo," agad naman silang nagbow ng makita si Lexi.

"Miss Clearia nandito pala kayo," sabi ng isang officer.

"Naku, tawagin niyo nalang akong Lexi," sabi kaagad ni Lexi, halatang nahihiya.

"Baka mapagalitan kami ni Mada'am kapag nalaman niyang kasali kayo Miss Clearia—ay, Lexi pala," sabi kaagad ni Sir Raoul.

"Ako na ang magpapaliwanag kay Mama," sabi ni Lexi at ngumiti.

Pumunta kami sa office nila at doon namin pinagusapan ang lahat ng detalye. Nahihirapan sila sa paghuli dahil biglang-bigla raw itong nawawala sa mga mata nila. Palaging ma-ingat ang galaw ng groupong ito.

"Like, bakit sila biglang mawala sa paningin niyo, po?" tanong ni Luna.

"Madalas silang tumatakbo sa eskinita na palaging may nakaharang at nahihirapan kaming humabol sakanila dahil doon, gumagamit din sila ng magic. Madalas ay water magic at earth magic, napansin din namin na hindi nila kontrolado ang magic nila kaya nahihirapan kami," paliwanag ni Sir Raoul.

"Saan sila madalas magnakaw?" tanong ni Sky.

"Marami na silang nanakawan na east side ng lungsod. Hindi lang sila nagnanakaw. Minsan umaatake rin sila ng mga inviduals, lalo na kapag malalim na ang gabi."

"East side ng lungsod.." bulong ko.

"Nakapaglunch na ba kayo?" tanong ni Sir Raoul matapos tumingin sa orasan na nakasabit sa wall ng office.

"Uh, sa mansion nalang kami kakain," sagot ni Lexi.

"Ganun ba, sige."

"Magplaplano po kami para mahuli sila, Sir," sabi ni Frost.

"Sige, sige. Heto pala ang number ng station, tumawag kayo kung anong plano niyo at kung anong matulong namin," sabay abot ng card, kinuha 'yon ni Frost.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon