Part 57 Is It Time?

7 2 0
                                    

Allen

Napaluhod ako at napaubo. Nalalasahan ko ang dugo sa bibig ko. Napahiyaw ako sa sakit dahil sinipa ulit ako ni Luke.

Naglalaban pa rin sina Shann at Kou sa kalangitan, nagpapalit ng pag-attacke sa isa't-isa.

Tumayo ako kahit masakit ang katawan ko. Kanina ko pa nilalabanan si Luke, natatamaan ko naman siya pero masyado siyang malakas at mabilis siya kumilos. Natamaan din ako ng magic niya, ang epekto ng magic niya ay parang acido. Masakit itong kapag tumatama sa balat.

Totoo nga ang sinabi nila, malakas ang Merean clan. Sa paggamit ni Luke ng magic, alam na alam niya kung anong attacke ang gagawin.

"Ano ba 'yan, nakakasawa ka naman umatake," reklamo niya. "You're too boring."

Ipinadaloy ko ang magic ko sa mga kamay ko. Sumugod ako at sinontok siya, iniiwasan niya 'yon pero sinontok ko ang sikmura niya at napaluhod siya. Agad ko siyang sinipa sa tiyan niya at napahiyaw siya sa sakit pero, bigla siyang natawa.

"Ito lang ba ang kaya mo, Thunder?"

Sa isang iglap ay napahiyaw ako sa sakit. Bigla niyang hinila ang paa ko at sinontok ako, natumba ako dahil sa lakas nito.

"I heard that you broke some of your bones?" sabi niya.

Sinipa ko ang paa niya pero naiwasan niya 'yon at gumanti siya, dahilan para mapaikot ako sa kalsada. Tatayo sana ako pero mahigpit niyang hinawakan ang paa ko at likod ng ulo ko.

"Higa ka muna, Thunder," kasunod nun ang tawa niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinadaloy ang magic ko doon pero walang nangyari. Napahiyaw ako sa sakit dahil may naramdaman ako sa kaliwang paa ko.

"Ito ba 'yon? Hays. Nakalimutan ko kung alin dito ang nagkaroon ng fracture. Nasaan ba si Morgana?" reklamo ni Luke.

"Bitiwan mo ako! Achk."

Bigla niya sinontok ang likod ko, ramdam na ramdam ko ang hapdi. Shit. Binalot niyang magic niya ang kamao niya ng sinontok niya ako.

"Wag kang maingay."

Sinubukan kong tumayo at sinipa si Luke gamit ang kanan na paa ko pero sinlubong niya iyon gamit ang kamay niyang nababalot ng itim na tubig. Binalot ko rin ang paa ko ng magic ko bago tumama ito pero mahigpit niya iyon na hinawakan.

Pinilit ko ang sarili ko na bumangon para suntukin siya pero mabilis niya akong inikot-ikot. Shit. Naririnig ko ang pagtawa niya, napahiyaw ako sa sakit dahil nararamdaman kong parang napapaso ang hinahawakan ni Luke.

Binitawan ako ni Luke at naramdaman kong tumama ako doon sa isang lamp post, natumba pa ito. Ang sakit ng likod ko, kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako mapahiyaw sa sakit. Nararamdaman ko ang paghapdi ng magkabilang binti ko.

Sinubukan kong tumayo kahit mahapdi ang nagkabilang binti ko, nang makatayo ako at naramdaman ko ang pagkamanhid nun. Napapikit ako ng makita kung ano ang nangyari doon at ayokong makita.

Yung hinawakan ni Luke, naging third degree burn. Napaluhod ako at napahawak sa dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga. Naririnig ko ang pagtawa ni Luke habang nakatayo sa kabilang dulo.

Allen!

Nakita ako ang paglipad ni Shann patungo sa akin. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko maiintindihan ang nararamdaman kong sakit. Ang hirap huminga.

Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses mula sa bibig ko. Nanlaki mata ko dahil natamaan ni Kou si Shann at bumagsak ito sa unahan ko.

"Shann!"

Allen.. Nawawala na ang bisa ng pill..

Kahit namamanhid ang magkabilang binti ko, ginawa ko ang lahat para tumakbo patungo kay Shann. Natamaan nito ang pakpak niya, may mga sugat din si Shann.

Allen, wag kang umiyak.

"Shann.. Patawarin mo ako... Patawarin mo ako," sabi ko habang humagulgol.

Allen, kailangan... Mong magpakatatag.

"Wag mo akong iwan, Shann!" sigaw ko sakanya dahil napapansin kong naglalaho siya.

Ayoko pang umalis... Pero, nawawala na ang bisa ng pill.. Allen..

Tanging pagbagsak ng luha ko ang aking nagawa. Unting-unti na naglalaho si Shann. Nakatitig lang siya sa akin.

"Makikita pa ba kita ulit, Shann?"

Kung papayag ang panahon, Allen.

Bago tuluyan maglaho si Shann, he roared loudly. Parang marinig iyon ng buong lungsod. Tinitigan niya ako at pumikit. Tuluyan na siyang naglaho.

Natumba ako at napahiyaw sa sakit. Nanlalabo rin ang paningin ko. Humihinga ako ng malalim dahil nahihirapan akong huminga, parang malalagutan na ako ng hininga. Napadaing ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Inilibot ko ang paningin ko, madilim ang paligid. Hindi ko na nakikita si Luke. Dahil siguro sa pagkawala ng epekto ng pills ay nawala rin ang ability ko na humiram kay Shann sa mga mata niya. Hindi ko rin nararamdaman ang mga sakit kanina sa katawan ko dahil sa pill pero ngayon, parang baha ang pagbuhos ng sakit.

Nasaan ba si Luke?

Napahiyaw ako sa sakit dahil may humila sa akin patayo gamit ang buhok ko. Nang makita ko kung sino ay nanlaki mata ko.

"Paano ba 'yan, Allen? Wala na ang dragon mo," malungkot niya sabi. "Makakaya mo pa kaya lumaban? Ah, makakaya mo kaya labanan kami?"

"Bitiwan mo ako, Luke."

Binitawan niya ako at pinaulanan ng suntok habang tumatawa. Nakapatong siya sa akin habang sinusuntok ako. Hindi na ako makaiwas dahil sa posisyon namin ngayon. Bigla siyang tumigil at tumayo.

"Hays, puno na ng dugo ang kamay ko. Kadiri."

Hindi ko na halos mabuka ang takipmata ko.

"Matagal ng nadungisan ang kamay mo Luke kaya itigil mo na 'to."

"No! Why would I stop?! Hindi pa nga ako nakakaganti sa mga head ng clan! Patitigilin mo na ako?!" sabay kwelyo sa akin at itinulak ako palayo, dahilan para mapasubsob ako sa lupa.

"Ang mga tao na natatakot sa amin ang nagagantihan ko! Hindi pa doon kasama ang mga clan na hindi tumulong sa amin."

Nakita ko ang paa niya sa gilid ng ulo ko.

"O isasama nalang kita sa mga papatayin ko? Total, hindi mo na masisikatan ang araw mamaya."

Sinubukan kong bumamgon kahit nahihirapan ako.

"Dragon!" tawag ni Luke kay Kou. "Patayin mo ang lalaking 'to! Kill him slowly to make him suffer in pain."

Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan ni Luke, nandoon si Kou sa dilim at lumiliwanag ang mata nito na puro puti. Malakas itong umungol, mararamdaman mo ang galit niya.

Ito na ba ang katapusan ko?

Kung hindi nga ako namatay sa Isla Ekis, dito ba ako mamamatay?

———

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon