Part 41 Trouble

9 1 0
                                    

Frost

Nakahawak ako sa bewang ni Allen habang lumilipad si Kou, ang dragon niya. Kailangan namin marescue si Lextaire, sana sinabi ko nalang kay Pyro na magstay put doon sa lugar kung nasaan sina Luna.

Ang lamig ng hangin, maliwanag din ang buwan. Natatanaw ko sa malayo ang border, may lighthouse kasi na makikita mo sa mataas na bundok na sinasakop ng eastern region. Kapag natatanaw mo na ang bundok na iyon, ibig sabihin malapit ka na sa border ng eastern region. Sabi nila tatawid ka pa raw ng tulay o dagat.

"Kou, may nakikita ka bang hinahabol?" tanong ni Allen.

Kou just growled, ginalaw niya ang pakpak niya.

"Kumapit ka ng mabuti, Frost," mas hinigpitan ko ang hawak ko sakanya.

Ilang saglit, mabilis na lumipad pababa si Kou. Napasigaw kami ni Allen dahil sa bilis. Natakot ako, baka mahulog kami, nakita ko ang mga pulis na tumatakbo sa baba.

"Nasa unahan ata si Lextaire," sabi ko.

"Kou, nakita mo na?"

Ewan ko ba kung nagkakaintindihan ba sila. Kou will just growl and tatango lang si Allen. Linagpasan namin ang mga pulis. Nahihirapan kaming hanapin si Lextaire dahil sa makakapal na puno na nasa gubat.

"Allen, pumunta tayo sa clearing na 'yon, baka hindi pa sila lumagpas doon," sabi ko habang nakaturo sa unahan.

"Kou, doon ka maglanding."

Ilang saglit ay nasa lupa na kami, bumaba na kami ni Allen. Ngayon ko lang napansin, iba ang kulay ng mga mata niya. Its yellow, makakamangha. Sumulyap siya sa akin, agad akong umiwas ako sa tingin niya, tiningnan ko ang paparating.

Hinanda ko ang sarili ko, kinuha ni Allen ang dagger niya at ginawang espada. Nakita namin silang napatigil ng makita nila kami. Nakita kong walang-malay si Alextaire na kinakarga ng isang lalaki.

"May dragon ang kalaban natin!" sabi ng isa.

"Bossing kailangan natin tumakas! Hayaan nalang natin sila ang humarap diyan," sabi naman ng tabi ng lalaking nasa unahan.

"Bwisit! Mauubos tayo!"

Agad kong hinawakan ang lupa at mabilis na pinakalat ang yelo papunta sa gawi nila, nahuli ng yelo ko ang tatlo lalaki na nasa likod, naiwasan iyon ng limang lalaki. May nakita akong limang bola ng apoy na mabilis na lumipad papunta sa akin, agad ko 'yon ginawang yelo! Mabuti nalang at mahulog sa harapan ko ang mga iyon.

"Bwisit!" sigaw ng isa.

May mga ugat na naglabasan sa lupa, agad kong iniwasan iyon. Kailangan kong makuha si Alextaire. Nakita kong binabato ni Allen ng bola ng kuryente ang ang mga ugat, naalala kong mahina ang magic niya kapag earth magic ang kalaban pero nasira niya ang mga ugat at sumugod na rin siya. Napansin kong kakaiba ang kulay ng kuryente ngayon ni Allen, may nakikita kasi akong blue sparks.

Dumating na rin ang mga pulis, hinuli nila ang tatlong lalaki na nahuli ng yelo ko kanina. Naghati ang mga magnanakaw, nasa harapan ko ang dalawa, habang ang tatlo ay nasa harapan ni Allen. Ang isang kaharap ko ngayon ay hawak si Lextaire.

"Tumigil nalang kayo at sumuko."

"Bwisit, tumakbo ka na papunta doon, susunod kami nila ni Bossing," sabi ng isa.

Agad na tumango ang lalaking may hawak si Alextaire, tumakbo ito palayo. Pinadaloy ko ang magic ko sa paa ko para gawing yelo ang daan niya pero nalagpasan niya iyon. Shit!

Hahabolin ko na sana ng may naramdaman akong humila sa akin galing sa paa ko, shit! Nahihilo ako dahil ibinitin ako ng patiwarik  Nakita kong tumawa ang lalaking kinokontrol ang ugat, binato ko siya ice shards, dahilan para mapahiyaw siya sa sakit. Ginawa kong yelo ang ugat at binasag ko iyon, I landed on my feet. Nilapitan na siya ng pulis kaya nahuli na siya.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon