Warning: Violent scenes up ahead.
Allen
Ang sakit ng katawan ko, hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Kahit daliri hindi ko maigalaw.
Pilit kong iminulat ang mata ko pero ang bigat ng takipmata ko. Napaubo ako, nalasahan ko ang dugo. Sarili kong dugo.
"Is he still alive, Morgana?" rinig kong tanong ng lalaki, kung hindi ako nagkakamali siya si Luke.
Hindi ko alam kung anong oras iyon, pero kanina noong nagising ako binati niya ako.
"Maligayang pagdating sa Isla Ekis, sana magustuhan mo ang bakasyon mo dito," at tumawa.
"Anong kailangan mo sa akin?! Pakawalan mo ako dito!"
"Hmmm, ano bang gagawin ko sa'yo?" tanong niya habang nakahawak sa kanyang baba.
Sinubukan kong gumamit ng magic pero hindi talaga ito gumagana. Kahit anong focus ko, walang lumalabas. Napatingin ako kay Luke dahil sa kanyang pagtawa.
"Wala kang magagawa dahil wala kang magic," sabi niya at hinawakan rehas habang nakangisi.
"Meron akong magic! Parte ako ng Thunder clan!"
Binuksan niya ang rehas at pumasok. Lumapit siya ng ilang hakbang, susuntukin ko sana siya pero hindi umabot ang kamao ko dahil sa kadena. Tumawa si Luke at napailing. Bigla niya akong kinuwelyuwan at malakas na isinandal sa pader.
Malalagutan ata ako ng hininga! Hindi ko siya masipa dahil sa kadena, sinubukan kong ilayo ang kamay niya pero ang lakas niya!
"Nasa territoryo ka namin, Thunder. Kaya wala kang magagawa," sabi niya habang nanlilisik ang mata.
Dumidilim na ang paningin ko, mamamatay ba ako sa kamay niya? Hindi ko na ba makikita sila Frost? Alam ba nilang nandito ako? Sila Mama, Papa, hindi ko na sila masisilayan?
Binitawan niya ako at tumawa. Napaluhod ako at hinabol ko ang aking paghinga, tiningnan ko siya. Nagtama ang paningin namin, bigla niyang sinipa ang tiyan ko ng dalawang beses. Dahilan para mapadaing ako sa sakit. Umupo siya sa harapan ko at hinila pataas ang buhok ko.
Susuntukin ko sana siya pero biglang may bumalot na itim na tubig nito, hindi ko alam kung saan galing. Napatingin ako kay Luke at nakangisi lang siya.
"Alam mo ba kung bakit wala kang magic noon?"
Napakurap ako sa tanong niya. Napapikit ako dahil mas humigpit ang kanyang hawak sa buhok ko.
"Dahil sa isang spell na kami lang ang pwedeng gumawa."
Napaawang ang bibig ko ng mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. Ngumisi lang siya, ngisi na pang-demonyo.
"Tama ang iniisip mo, Thunder. Nasa lungga—no," tumingala siya at nag-isip. "Aha, nandito ka sa mansion ng pinakamalakas na water clan sa buong mundo."
Inilapit niya ang mukha habang nakangisi.
"Nandito ka sa Mansion ng Merean clan."
"A-Anong kailangan mo sa akin?"
Binitawan niya ang buhok ko at tumawa ng malakas. Kung nasa ibang oras lang at lugar kami ngayon, iisipin kong nababaliw siya. Pero, hindi. Hindi ito oras para magbiruan.
"Something special, Thunder."
Bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko, nawala doon ang tubig na bumabalot. Kitang-kita ang simbolo ng dragon magic.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...