Frost
Naglakad na kami papasok sa gubat, mukhang walang dumadaan dito kaya hinahawi nila Sky at Pyro ang daan, katabi ko ngayon si Allen. Ang lalim ng iniisip niya, tinapik ko siya, napatalon pa siya sa gulat.
"B-Bakit?"
"Ano bang gumugulo sa isipan mo?"
"Wala... Wala, ayos lang ako," at tumingin sa unahan.
"Sigurado ka?"
"Hmmm, sigurado ako."
"Nagugutom na ako!" reklamo ni Luna.
"Kakain muna tayo?" tanong ni Sky at tiningnan kami.
"Pwede na rin, mukhang tanghali na, tirik na ang araw, oh," sabi naman ni Pyro.
"Baka may ahas dito," sabi ni Luna.
"Edi patayin," sabi naman ni Pyro at hinawi ang mga halaman.
May baon kami kaya iyon na ang kinain namin, nagpahinga kami saglit bago nagpatuloy sa paglakad. Hanggang sa bumungad sa amin ang isang Y-route.
"Saan kaya dito?" tanong ni Pyro.
"Dito sa kanan, kapag dumeretso pa tayo, baka umabot tayo doon sa border," sabi ni Lexi. "Pwede naman tayo bumalik kapag wala," dagdag niya.
Naglakad na kami patungo sa kanan, ilang saglit pa ay mas makapal ang mga halaman sa daan kaya nagtutulungan kaming ihawi ang mga ito.
"Baka naliligaw na tayo," sabi ni Luna.
Hindi na masyadong pumasok ang liwanag na mula sa araw dahil sa mga kahoy na nandito.
"Iyon ang bahay diba?" napatigil kami dahil sa sinabi ni Pyro.
Meron kaming nakita bahay-kubo sa unahan, meron din itong garden. Ito ang nakaguhit sa libro! Naglakad ako papalapit sa bahay at sumunod naman sila. Mukhang matagal ng walang nakatira dito, masyado ng luma ang bahay.
"Titingnan namin ang loob ni Sky at Allen. Pyro, tingnan niyo ang nakapaligid sa bahay."
"Noted," sabi ni Lexi at nagsimula na silang naglakad patungo sa garden.
Nakasunod sina Allen at Sky sa akin. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang response.
"Tao po," kumatok ulit ako.
"Wala atang tao," sabi ni Allen.
"Tao po," sinubukan ni Sky at kinatok ang pinto.
Bigla itong bumukas ng konti. Nagkatinginan kaming tatlo. Itinulak ni Allen ang pinto at pumasok na, sumunod na rin kami.
Bumungad sa amin ang isang mesa, may mga libro pa doon at mga vials. Sa kabilang parte naman ng bahay ay nandoon ang kusina, meron ding lababo. Merong mga cobwebs sa kisame at maalikabok ang mga gamit.
Naglakad ako patungo sa mesa, tungkol saan ang libro na ito? Mga halaman na ginagamit sa pag-gamot. Habang tinitingnan ko ang mga gamit na nandito ay napansin kong may parte na basa, mukhang kakatapon lang ng tubig dito.
Bakit basa ito? Impossibleng malakas na hangin ang nakatapon nito dahil gawa sa glass ang vials. Kung bago lang natapon ang tubig ibig sabihin-
Nilingon ko si Sky, tinitingnan niya ang mga gamit sa kusina. Agad akong lumapit sakanya. Hinawakan niya ang pot na nakalapag sa gilid ng lababo.
"Its still warm," komento niya.
"May tubig din na natapon doon," sabi ko.
Napatingin siya sa mesa at tiningnan ako. Mahigpit niyang hinawakan ang weapon niya.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...