Part 23 Necklace

10 2 0
                                    

Allen

Pagkatapos sa nangyari sa plaza ay dumating ang medic. Ewan ko ba bakit walang mga police na dumating sa area. Sabi nila apat daw ang kalaban, pero hindi naman namin nakita ang isa. Kasalukuyang ginagamot ang mga sugatan sa hospital. Binabantayan ko si Frost, nawalan kasi siya ng malay dahil sa pakikipaglaban kanina. Tumama pa ang ulo niya sa ugat ng puno.

May konting galos din ako pero maayos naman ang pakiramdam ko. Masama ang lagay ni Shekiah at ang iba niyang kagroupo. Hindi ko alam kung nasaan sila Sky, merong mga healer na dumadaan, pero hindi ko nakikita si Lexi. Sana maayos lang ang lagay nila.

"Hindi pala ikaw ang habol namin."

Sino kaya ang habol nila? Bakit niya tiningnan ako kwintas ko? Tss. Bakit galit sila sa pamilya namin? Kailangan kong bumisita sa mansion sa susunod na mga araw.

"Allen," napatingin ako sa nagsalita, si Lexi pala.

"Nasaan sila Sky? Ayos lang ba sila?" tanobg ko kaagad. Inabutan niya ako ng tubig, tinanggap ko ito.

"Nagpapahinga sila, may natamo silang galos at pasa dahil sa laban kanina."

"Si Shekiah at ang groupo niya?"

"Binabantayan sila ni Jennica at Nina, nandoon. Na dislocate ang braso ni Francis habang si Julian naman ay nagkasprain. May malalim na sugat si Shekiah, pero maayos na sila ngayon."

"A-Allen," napalingon kami ni Lexi sa tumawag sakin.

"Gising ka na pala, may masakit ba sa'yo?" tanong ko.

"Medyo nahihilo ako," sagot ni Frost.

"Tatawag muna ako ng doctor," paalam ni Lexi at umalis na.

"Anong sabi nila?"

"Wala pa akong nalalaman. Nagpapahinga sila Sky, maayos na rin sina Shekiah."

"Mabuti naman kung ganun."

Bumalik na si Lexi kasama ang isang doctor at nurse. Tiningnan nila si Frost at tinanong kung kamusta ang kanyang pakiramdam, pagkatapos ay umalis na sila.

"Anong sabi nila Sir Yakada?" tanong niya sa amin.

"Sabi nila meron daw nagpatulog sa mga police kaya hindi sila nakaresponde kaagad," sagot ni Lexi.

"Yung lalaking usok ang magic, siya siguro ang may kagagawan," sabi ni Frost.

"Nag-iimbestiga ang mga police, sabi ng iba na kasamahan nila ang ating napuruhan sa moon festival sa bayan ng Lun," sabi naman ni Lexi.

"Ano bang motibo nila?" tanong naman ko.

"Mukhang galit sila sa pamilya mo, Allen. Kailangan mong mag-ingat," sabi ni Frost.

———

Lumipas ang dalawang araw at nakalabas na rin sila sa hospital. Wala muna kaming klase mga seniors dahil sa nangyari sa festival. Kahit na nagkagulo ay sinabihan naman kami na maayos ang nagawa namin dahil dumepensa kami. Hindi pa nalalaman ang motibo ng pag-atake nila.

Tinatali ko ang sintas ng sapatos ko. Inayos ko ang tshirt at pedal ko, isinabit ko rin ang dagger ko sa likod ko kagaya noong festival. Pupunta ako sa mansion ngayon. Pagkalabas ko sa kwarto ko, bumaba na ako kaagad. Naabutan kong nagkakape si Sky na nakaupo sa bar counter. Si Lexi naman ay nagmimix ng ingredients, mukhang nagbabake siya. Sina Luna at Pyro ay nanonood ng palabas. Si Frost ay nakahiga sa duyan na gawa sa yelo.

"Oh? May lakad ka?" tanong ni Sky.

"Uh, bibisita ako sa masion ngayon."

"Ihahatid kita," offer ni Frost at aakmang tatayo na agad akong tumanggi na dahilan upang matigilan siya.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon