Part 48 Gone

18 1 0
                                    

Allen

"Hays, nakakatamad naman pumasok!" reklamo ni Pyro habang inaayos ang sintas ng sapatos.

"Malapit na ang graduation kaya tiisin mo nalang," sabi naman ni Luna at lumabas na ng bahay.

Naglakad na kaming lahat papunta sa classroom. Nagmessage ako kay Arthur tungkol sa nalaman namin, sinabi ko sakanya na bibisita ako mamaya sa mansion, biyernes ngayon, pwede rin doon nalang ako matulog. Nagmessage rin si Kuya Allecke tungkol sa symbol na nasa kanang kamay ko, dapat itago ko ang mark, baka may makakita. Hindi pa namin alam kung sino ang pwede maging kaaway.

"Allen," napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Frost pala.

"Oh, bakit?"

"May sugat ka?" tanong niya habang nakakunot ang noo at sinulyapan ang kamay ko.

"Wala, advice lang 'to ni Kuya Allecke."

"Uh, okay," sabay tango.

Pagkapasok namin sa classroom ay kanya-kanyang bati ang mga kaklase namin. Nagkamustahan at kuwentuhan tungkol sa mga dumaan na missions.

Umupo na ako sa upuan ko. Ilang saglit ay pumasok na ang guro namin, hudyat na magsisimula na ang klase. Nakinig lang kami sa discussions, may ibang nagbibigay ng essay at review tungkol sa lessons namin noong nakaraan.

Dumating ang lunch time at pumunta na kami sa cafeteria para doon kumain.

"Namiss ko ang luto nila," sabi ni Pyro habang kumakain.

"Oa mo naman," komento naman ni Luna.

"Napansin niyo, wala si Morgana kanina," sabi ni Sky dahilan para mapatingin kami sakanya.

"Sabi nila may importanteng lakad sa kanila. She's absent for three days," sabi naman ni Lexi.

"Sinabi ba ni Peter?" tanong naman ni Frost.

"Si Raina nakausap ko."

"Kakausapin ko pa si Peter mamaya."

"Tungkol saan?" tanong ko kay Frost.

"Tungkol kay Morgana."

"Samahan na kita," alok ko.

"May lakad ka pa mamaya, diba? Doon ka matutulog?"

"May lakad ka bukas?" umiling lang siya. Hihiramin ko kasi scooter niya.

Pagkatapos ng klase namin ay umuwi na kami sa dorm. Nagbihis ako, nakablack jeans ako at blue thsirt. Kinuha ko ang maroon jacket ko at isinuot. Naabutan kong nagkakape si Sky sa baba habang nagbabasa. Si Lexi naman ay naghahanda ng hapunan.

"Hindi ka dito kakain, Allen?" tanong ni Lexi.

"Doon na ako sa mansion kakain. Nasaan pala si Frost?"

"Heto ang susi ng scooter niya. Pumunta siya sa dorm nila Peter," sabi ni Sky at inabot ang susi.

"Oh? Sige, una na ako sa inyo."

"Ingat ka, Allen!" bilin ni Lexi.

Lumabas na ako sa dorm at naglakad na patungo sa gate. Agad akong bumyahe patungo sa mansion. Habang papunta doon ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang bigat din ng nararamdaman ko. Pagdating ko doon, sinulabong ako nila Austern at Astro.

"Kompleto tayong lahat, nasa dining hall na sila," sabi ni Austern.

Napabuntong-hininga ako, hindi ko sila kayang harapin. Mula ng maalala ko ang lahat, walang gabing hindi ko mapanaginipan si Lola.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon