Allen
I'm still holding Frost's cold body. Kahit anong pagtawag ko sakanya hindi na siya gumagalaw. Patuloy sa pagbagsak ang luha ko. Hinahawakan ko ang kamay niya, umaasa akong babalik siya at gigising.
"Frost.." tawag ko.
Hindi ko na alam. Sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi na ata mauubos ang luha ko.
Hindi ko 'to matatanggap!
Bakit kailangan niyang gawin 'to?! Pwede naman na hindi siya humarang doon! Pwede naman siyang gumamit ng magic!
Bakit kailangan na iharang niya sarili niya?!
Frost, bakit mo 'to ginawa?!
Palagi niya akong binabantayan, simula pa ng umalis ako sa Bayan ng Heresh. She always take care of me. Palagi niyang sinisiguro na maayos ang lahat at komportable, lalo na ako.
Napapikit ako, naaalala ko pa ang una namin na pagkita. Yung pagkatok niya sa pinto ng kwarto ko dahil late na kami sa unang araw ko sa academy. Yung oras na niyaya ko siyang sumayaw sa masquerade ball.
Hanggang sa dumating yung oras na makikilala ko na ang pamilya ko, siya ang kasama ko. Noong camping, kami ang magkasama noong kukuha ng kailangan namin sa beach. Sa mga nangyari noong Moon festival. Sa three month training, alam kong nahihirapan din siya sa training kaya tinutulungan ko rin siya.
Iyon lang ata ang pagkakataon na nasuklian ko kabutihan niya.
Noong nag-imbestiga kami sa library hanggang sa pagkuha ng mga missions. Sa pagtuklas tungkol sa organisasyon.
"Frost... Wag ka namang magbiro ng ganito," naiiyak kong sabi at niyakap siya. "Please, wake up."
Tiningnan ko ang mukha niya, para siya mahimbing na natutulog. Ngayon ko lang napansin, I never saw her na natutulog.
Ang bigat sa pakiramdam. Niyakap ko siya habang hinahaplos ang itim niyang buhok.
Hindi ko 'to matatanggap!
"Frost, please wake up. Ang dami ko pang hindi nasasabi sa'yo."
Napatigil ako sa paghikbi dahil narinig ko ang halakhak ni Luke. Nakatawa siya habang hinahampas ang lupa.
Pinatay niya si Frost.
Tiningnan niya ako at napailing habang tumatawa.
"She's dead, Allen!" sabay ngisi.
"Walang hiya ka, Luke! Ang sama mong tao!"
"I don't give a fuck, Allen," may nabubuong espada na gawa sa itim na tubig ang lumutang sa harapan niya.
Ang magic na pumatay kay Frost.
"Magsama kayo ng babaeng 'yan."
Mabilis na lumipad ang espada niya patungo sa akin. Napatigil ako sa paghinga. Nararamdaman kong unti-unting namamanhid ang buo kong katawan. Napaubo ako dahil sa dugong lumalabas mula sa bibig ko. Napayuko ako, nakasaksak ang espada sa dibdib ko.
Unting-unti itong bumalik sa pagiging tubig. Naramdaman kong naliligo na ako sa sarili kong dugo. Nahihilo na rin ako. Tiningnan ko si Frost, ito kaya ang nararamdaman niya?
Ang bigat ng mata ko, gusto ko ng pumikit. Nahihirapan na rin akong huminga. Naramdaman kong tuluyan na akong natumba. Tiningnan ko ang mukha ni Frost, hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya.
Bago ako tuluyan pumikit ay may nakita akong berde na liwanag.
Nang iminulat ko ang mata ko ay wala na si Frost sa harapan ko. Nakadapa ako sa lupa, napapikit ako dahil sa sakit ng katawan ko. Ang hapdi ng braso ko.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...