Part 9 Uninvited Guest

17 5 0
                                    

Allen

Tinitigan muna niya ito bago tinanggap, naglakad kami papunta sa dance floor at pagdating namin doon ay hinakawan ko ang bewang niya gamit ang kaliwa kong kamay habang hawak ko ang kaliwa niyang kamay. Nakahawak din siya sa balikat ko.

Nagsisimula na kaming sumayaw, gaya ng ibang sumasayaw ay mabagal din ang galaw namin ni Frost. Tiningnan ko si Frost na nakatingin sa ibang sumasayaw, kahit naka-maskara siya ay napaka-misteryoso pa rin niya. Ang ganda ng mga mata niya, sky blue. Kahit hindi maliwanag, mapapansin mo pa rin ito. Napatingin naman siya sakin, napalunok ako dahil sa kaba. Iniwasan ko ang tingin niya.

"Marunong ka palang sumayaw," sabi niya. Tiningnan ko siya, nakatingin pala siya sakin.

"Marunong naman. Tinuruan kami sa guro namin sa P.E. last year."

Hindi na umimik si Frost. Patuloy kami sa sayaw, hanggang sa nagyaya siyang umupo dahil napagod na siya. Pagbalik namin sa table naabutan naming nakangisi si Lexi sa amin habang si Pyro kausap si Sky. Wala si Luna sa table namin.

"Mukhang masyado kayong nag-enjoy?" tanong ni Lexi na merong pang-asar sa boses.

"Well, nag-enjoy naman talaga kami. Diba, Allen?" tanong ni Frost sakin. Ngumiti ako at tumango.

"Nakakainis talaga si Luna kahit kelan," rinig kong sabi ni Pyro.

"Hanapin mo na. Baka mapahamak 'yon. Alam mo namang gabi na at malakas na kapangyarihan non, baka makagawa ng gulo 'yon," sabi ni Sky pero umiiling lang si Pyro.

"Nakakapagod ding humabol sa taong ayaw sa'yo."

"Aminin mo na kasi sakanya, Pyro," sabi naman ni Lexi.

"Aminin ang?" tiningnan ako nila.

"Gusto ko si Luna, Allen," diretso niyang sagot sakin. Kaya pala kapag kinakausap ako ni Luna ay parang mapapatay ako ni Pyro sa mga titig niya.

"Umamin ka kay Luna."

"Pyro, hanapin mo na si Luna," sabi ni Frost.

"Fine." tumayo si Pyro at aalis na sana siya ng may sinabi si Sky.

Lumapit ang waiter sa amin at naglagay ng apat na drinks sa table namin. Nagpasalamat ako dito, tumango lang siya at umalis na parang wala sa sarili. Iinumin ko sana ang drink kaso pinigilan ako ni Sky.

"Bakit?"

"Tiningnan mo ng maigi ang inumin."

Tinitigan ko naman. Nanlaki ang mata ko ng napansin kong may lumulutang na parang violet na lumiliwanag ng mahinaw pero hindi ito mapapansin kaagad dahil madilim.

"Merong hindi tama dito," sabi ni Frost.

"Guys, somethings wrong," sabi naman ni Lexi.

Patuloy pa rin sa pagserve ang mga waiter pero parang blangko ang expression nila. May mga estudyante na uminom kaagad at meron namang hindi. Napansin ko na kapag uminom ang isa sa inumin ay parang tumatamlay ata siya. Ano bang nangyayari? Hindi ito agad napansin ng mga guro dahil busy sa pagkwekwentuhan.

"Nasaan na ba si Pyro? We need to leave. Something is not right here," may bahid na pag-alala sa boses ni Lexi.

Nakita namin si Sir Thunder na umakyat sa stage na may galit sa mukha. Isang hampas niya sa podium ay lahat ng ilaw sa ballroom ay umilaw. Napakaliwanag ng lugar, kitang-kita ko ang pagkagulat ng nga kaklase at schoolmates namin. Tumigil rin ang music, tumigil rin ang mga estudyanteng sumasayaw.

"Kung sino kang hindi imbitado, lumayas ka!"

Nagkatinginan kami nina Sky, pati narin ang ibang estudyante. May mga nagbubulung-bulungan pa. Napansin ko yung nga uminom ng mga sineserve ng waiters kanina ay parang tulala na ata sila.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon