Allen
Naglalakad kami ngayon nina Frost sa hallway. Lunes ngayon at papunta na kami sa classroom. Kumalat rin sa buong schoool ang nangyari noong party. Pagpasok namin sa room tumunog yung speakers, yung may static ata. Inaayos pa ata ang mic.
"Ang aga naman ng announcement," rinig kong bulong ni Sky.
"Umupo na tayo," yaya ni Frost.
Umupo na kami sa upuan namin. Ang iba naming kaklase na nag-uusap tungkol sa party ay tumahimik para makinig sa announcement.
"Good morning students! This is Arniel Eric Thunder. I know its too early for an announcement. I want to apologize for what happened in our celebration for our 75th founding anniversary."
There was a long pause. Lahat kami inaabangan ang susunod niyang sabihin.
"Sa lalaking may thunder magic, pumunta ka sa office ko before lunch. 11am sharp. That's all. Continue your classes," tapos may beep kaming narinig, ibig sabihin tapos ng announcement.
"Feel mo gwapo yung guy na gumamit ng thunder magic?" tanong ni Pamela.
"Probably! For sure isa siyang Thunder!" sabi naman ni Wendelia.
"Wala namang Thunder na nag-aaral dito, e. Usually they are home school," sabi naman ni Darwin.
"Baka apo lang 'yon ni Sir Thunder. Secretly going to our party!" sabi ni Wendelia at parang kinilig.
"Sino namang apo? Tatlo lang na apo ni Sir Thunder ang halos ka edad natin," sabi ni Tiffany at napairap.
"Tsk."
Napatingin ako kay Frost.
"May problema ba?" tanong ko.
"Sasamahan kita mamaya sa office."
"Okay."
Ilang saglit pa ay pumasok na si Sir at nagklase na kami. Nakikinig lang ako sa discussion niya. Mas advance ang kanilang lessons kesa Sadigo High pero, parehas lang naman. Natapos namin ang ilang subjects hanggang sa dumating ang lunch.
"Let's go!" yaya ni Luna habang nakatayo sa harapan ni Lexi.
Inaayos ko pa ang gamit ko sa loob ng bag. Lumabas na rin iba naming kaklase. May nilalagay naman si Pyro sa locker niya. Si Sky naman nagbabasa naman ng novel at inayos ang glasses niya. Isinarado ko na ang bag ko at sinabit sa gilid ng upuan.
"Una na kayo. May pupuntahan pa kami ni Allen," pagpaalam ni Frost.
"Saan naman?" tanong ni Luna.
"Luna, yung guy na gumamit ng thunder magic ay si Allen," bulong ni Lexi. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Luna at ngumiti.
"Oh my gosh! Really, Allen?!"
"Uh, oo."
"Tara," at hinila ni Pyro si Luna palabas. Narinig ko naman na nagbabanggayan na naman sila.
"Pupunta na kami sa office," pagpaalam ni Frost.
"Sige,"
Lumabas na kami at naglakad papunta sa first building kung saan ang office ng principal. Meron kaming mga nakasalubong na mga estudyante. Yung iba masaya na nagkwekwentuhan tungkol sa party.
"Ate Frost!"
Napalingon kami sa kanan namin. May dalawang babae, mukhang mga freshmen sila. Ang isa may pink na box na dala at ang isa naman ay may dala na heart shaped box pero nakabalot ito sa red na wrapper. Parehong may ribbon. Napakunot naman ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...